AKEMI
Makalipas ang tatlong araw ay natapos din namin ang mga major exams kaya lahat ng estudyante ay nakahinga na nang maluwag at nagpaplano nang magcelebrate sa kung saan saang lugar. Ibig sabihin din kase ay bakasyon na kami at talagang makakapagpahinga na sa stress gawa nang mga school works. Hindi pa nga lang namin alam ang result sa exam dahil sabi nang mga Prof ay sa pagbalik nalang daw namin ulit sa school sasabihin ang resulta. Prof din ang tawag namin sa mga teacher namin kahit high school pa lang kami. Sa pagkakaalam ko kase ay sa college lang tumatawag ng 'Prof' ang mga estudyante dito sa Pilipinas, sa Japan naman kase ay 'Sensei' lang ang tawag namin sa teacher.
"Dahil tapos na ang paghihirap natin, magcelebrate din tayo katulad nila" masayang sabi ni Kevin at sumang ayon naman kami sa sinabi nya.
Naglalakad na kami papunta sa parking lot ng biglang magring ang cellphone ko, pagtingin ko ay si Kuya Ichigo pala ang tumatawag kaya napangiti ako.
"Moshi moshi!" masayang sagot ko sa kabilang linya. Napailing nalang si Toji dahil alam kong alam na nya kung sino ang tumawag sa tono palang ng pagsagot ko. Pinauna ko nalang silang maglakad. Narinig ko naman na napatawa sya sa kabilang linya.
"Miss na miss din kita, Baby! Hahaha" ang sarap talagang pakinggan ng tawa ni Kuya.
"Bakit ka pala napatawag Kuya?" tanong ko habang nakangiti at nakasunod kina Toji.
"Welcome back, Akumu" pagkasabi nun ni Kuya ay napatigil ako sa paglalakad. Hindi agad maproseso nang utak ko ang sinabi nya.
Did i hear it right?
"I'll see you then, Haha. Congrats pala dahil tapos na ang exam mo. Daisuki, Akachan!" then he hung up.
M-may mission na ulit ako?
Hindi pa din ako makapaniwala pero napakasaya ko ngayon. Matapos akong ipatapon at ibanned sa pagtanggap ng mission ay magkakaroon na ulit ako ngayon.
"Ayos ka lang ba A-ake?" napatingin ako sa harapan ko at nakita ko si Jae. Dahil sa sobrang tuwa ko sa sinabi ni Kuya ay nayakap ko sya nang sobrang higpit habang nakangiti. Nakurot ko pa ang pisngi nya.
"Kawaii~"
"Mashakit na Ake..Aww!" nakita kong naluluha na sya sa sakit.
"Hala!" sobrang pula na din ang pisngi nya. Napangiwi naman ako at hinaplos haplos ang pisngi nya.
"Sorry! Sorry! Masakit pa ba?" inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha nya para makita kung nagkasugat ba ang pisngi nya sa pagkurot ko. Korean kase sya, singkit, maputi, maganda ang kutis kaya sayang naman kung masisira ko lang. Ngumiti naman sya saken.
"Okay lang ako Ake. Tara na at baka iniintay na nila tayo" sabi nya at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa pisngi nya at hinila ako.
Sakto naman na paglapit namin sa kanila ay may kotse na bigla nalang humarurot at nakita kong nakasakay doon si Sky.
Baka natatae na?
Napailing nalang ako. Nakita ko naman na napailing nalang din si Jiro. Nakangiting lumapit ako kay Toji dahil gusto kong sabihin ang magandang balita pero mukhang alam na nya dahil nakangiti sya. Kilalang kilala na talaga nya ako.
"Torture ka talaga" sabi nya at ginulo nya ang buhok ko. Nagtaka naman ako sa sinabi nya.
"Paano naman ako naging torture aber?" tinaasan ko sya nang kilay pero sinabi nya nalang na sumakay na ako sa sasakyan.
Tiningnan ko muna naman si Vincent kase hindi pa sya sumasakay pero nagets naman ata nya yung tingin ko at may itinuro syang sasakyan katabi nang kotse ni Toji.
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Action"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME