Andito na kami ngayon ni Kakashi nii-chan sa airport. Iniintay nalang namin ang pagdating ng isa ko pang Kuya, siya kase ang maghahatid sa amin sa tutuluyan ko daw dito sa Pilipinas. Medyo kumikirot pa din ang sugat ko sa balikat pero yakang yaka ko naman, si Kuya Kakashi ang nagdala nang mga gamit ko.
Nakakalungkot nga kase hindi ko kasama si Toji, may misyon kase sya, pero sabi nya kapag natapos daw yun eh susunod siya agad sakin dito sa Pilipinas.
"Sorry kung ngayon lang ako nakadating ang traffic kase" Ayan andito na pala si Kuya eh. Yosh! gutom na ako.
"Kuya!" Nakangiting tawag ko kay Kuya strawberry.
"Baby Akemi" masaya ding tawag ni Kuya saken at nagyakapan pa kami habang nagtatalon. Hahaha, muntanga lang, eh sa ngayon lang kami nagkita neto eh hihihi ^_^V
"Namiss kita Kuya strawberry hahaha" at ang mukha ni Kuya, ayun epic. Pfftt! ayaw kase nya na tinatawag ko syang ganun, kung bakit secret muna hahaha. Akmang hahampasin ni Kuya ang balikat ko pero natigil sya nang tumikhim si Kuya Kakashi.
"Lets go, Nii-san. Alam kong gutom na yung prinsesa ko" aya ni Kuya Kakashi. Napangiti nalang ako nang palihim. Hinila ko na sila sa kamay papunta sa sasakyan, ang babagal eh.(Brother)
"Yosh! Tara na mga Kuya kong pogi gutom na gutom na talaga ako" nakapout pang sabi ko. Napailing nalang silang dalawa sa inasta ko. Si Kuya strawberry este Ichigo pala ang naupo sa driver seat habang kami naman ni Kuya Kakashi sa backseat. Yung mga gamit ko andun na sa compartment ng kotse ni Kuya.
"Baby Ake saan mo gustong kumain?" tanong sa akin ni kuya Ichigo.
"Dun sa nagluluto ng pagkaing pinoy Kuya" pumapalakpak pang sagot ko. Natatawa nalang sila kuya. Psh! mga lokong kapatid, tawanan daw ba ang gutom? -.-
"Oh wag ka nang mag pokerface baby, may alam na lugar si Kuya na nagseserve nang Filipino food" at sumilay na ulit ang ngiti sa labi ko.
Maya maya lang andito na kami nila Kuya sa karinderya na nagseserve daw ng mga paborito ko. Umupo na kami nila Kuya at agad naman na may lumapit na taga kuha nang order. Sinabi ko na ang mga gusto ko at umalis na sya. Actually hindi naman ako mapili sa pagkain, lahat kinakain ko basta walang lason maliban nalang dun sa ayaw ipakain sakin nina Kuya. Psh!
"Baby Ake, kamusta kana?" tanong saken ni Kuya Ichigo. Nginitian ko siya nang sobrang tamis, hindi nya pwedeng malaman na nagkaharap kami, though nakatalikod ako noong sinugod 'nya' Psh! Traitor.
"Watashi wa genki desu, nii-chan"( I'm fine, Brother) nakangiti kong sagot kay Kuya. Dumating na din naman ang tagasilbi dala ang order kong Adobo, my favorite. Meron din silang ibang putahe tulad ng sinigang, humba, menudo. Nakakagutom ang amoy.
"Ittadakimasu!"( thanks for the food!) sabay sabay naming sabi nila Kuya habang magkadaop ang palad, at kumain na kami nang tahimik.
Pagkatapos naming lantakan ang masasarap na pagkain ay inihatid na din ako nila Kuya sa condo na titirahan ko. Gusto ko sana dun sa bahay nila Kuya tumira kasama sila kaso ayaw ni Dad, hays. Parusa ko daw ito kaya ayun loner ang peg ko.
Matapos iayos nila Kuya ang mga gamit ko sa cabinet ay umalis na din sila, sabi ko nga na ako nalang ang mag aayos pero sinamaan lang nila ako nang tingin. K payn! mahal nila ako eh. Kaya nagpalit nalang ako ng damit at natulog na, may jetlag pa ko.
Nagising ako na kumakalam ang sikmura. Pagtingin ko sa bintana, gabi na pala, kaya pala nag aalburoto na ang mga dragons ko sa tiyan. Inayos ko lang ng onti ang buhok ko gamit ang kamay at kinuha ang wallet ko at bumaba na sa lobby.
Magtatanong sana ako sa receptionist kaso busy pa sya sa pagpapacute dun sa kausap nyang lalaki, hiyang hiya naman akong istorbohin sya.
Note the sarcasm
Kaya lumabas na lang ako at nagdesisyon na ako nalang ang hahanap kung saan may malapit na mini stop dito sa building. Doon ko napiling dumaan sa eskinita. Medyo madilim, may ilaw naman ang mga poste pero aandap andap na. Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad habang nasa magkabilang bulsa ang kamay ko.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad, not minding the two arguing groups na nagsasapakan. May nakaharang sa dadaanan ko kaya tumalon ako sa pagitan nila habang nasa bulsa pa din ang dalawang kamay ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Naramdaman ko naman na natigil sila sa pakikipagsapakan.
I just wave my right hand at them "Don't mind me. Just continue what you're doing" cool kong sabi sa kanila at inilagay na ulit ang kamay sa bulsa ko at ipinagpatuloy ang paglalakad.
Nang makalabas na ako sa madilim na eskinita na yun, nakita ko na din ang mini stop sa kabilang kalsada kaya tumawid na ako. Pagpasok ko ay bumili lang ako ng rice toppings at ipina microwave sa staff.
Habang kinakain ko yung rice toppings na binili ko, narinig ko naman na may grupo nang kalalakihan ang pumasok sa loob ng store, sinilip ko lang saglit at ipinagpatuloy na ulit ang pagkain.
Psh! Sila yung nakikipag sapakan kanina sa eskinita.
Isusubo ko na sana yung natitirang pagkain ng may umupo sa mga bakanteng upuan sa may table ko.
"Yow miss cool" sabi nung nakaupo sa tabi ko at kinuha naman nung isa ang pagkain ko. Tiningnan ko siya. Lapastangan!
"Akin na" mahinahon at nakalahad ang kamay na sabi ko dun sa lalaking kinuha ang pagkain ko. Nakita kong nagkibit balikat lang sya at nagpipigil ng tawa. Dahil ubos na ang pasensya ko at asar na ako sa lapastangan na ito, mabilis akong nakapunta sa likod niya nang hindi nya namamalayan at hinampas ang batok nya, kaya nawalan siya nang malay. Pinagkaguluhan nila yung kasamahan nila at ginamit ko namang pagkakataon 'yon para makaalis doon pero inubos ko muna yung natitira sa pagkain ko. Gutom pa ako.
Itinuloy ko nalang ang pagtalon talon sa mga pader at bubong ng bahay hanggang sa makarating na ako sa building. Mabilis kong tinungo ang elevator. Nung tumunog na hudyat na nasa floor na ako ng unit ko, agad agad na akong lumabas at pumasok sa condo ko.
Pagpasok ko ay naligo lang ako saglit at natulog na.
JIRO
Matapos kaming harangin at mapalaban sa mga gangster na 'yon, hindi ko parin makalimutan yung cool na babae na tumalon sa pagitan namin nung kalaban ko kanina. Wala man lang kaingay ingay ang paglanding nya, isama mo pa na nakalagay lang sa bulsa ang parehong kamay nya. Pero parang nakita ko na siya.
"Hoy Jiro! Muntanga ka dyan. Kain na tayo dun sa may mini stop, nagutom ako sa laban natin kanina. Psh!" Sabi ni Jae.
"Sige, tutal nagutom din naman ako" pagsang ayon ko.
Habang papunta kami sa loob ng mini stop, may nakita akong babae sa may labas niyon at mag isa na kumakain. Nagkibit balikat nalang ako at nagtuloy tuloy na sa loob at ang mga loko nauna pa sakin na bumili.
"Di ba sya yung babaeng cool kanina?" tanong ni Kaizer. Bago pa ako makasagot, andun na silang lima at mga nagsipag-upo na sa mga bakanteng upuan katabi nung babae kaya umupo nalang din ako sa harap at pinagmasdan yung babae.
"Yow miss cool" bati ni Kaizer sa kanya at kinuha naman ni Kevin yung pagkain nya.
"Akin na" mahinahon at nakalahad ang kamay na sabi nung babae, pero dahil maloko tong si Kevin nagkibit balikat lang sya at nagpipigil ng tawa.
Ang bilis ng pangyayari, nakita nalang namin na wala nang malay si Kevin at wala na din 'sya'. Napangiti nalang ako. Wala paring kupas.
Nagkibit balikat nalang ako at tinulungan silang buhatin si Kevin at iuwi sa bahay nila. Napapailing nalang ako.
Tsk! Mga loko kase ayan tuloy.
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Action"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME