Chapter 27 - The Transferees - 2

13 3 0
                                    

KAKASHI

"Bakit naman kaya tayo pinapunta dito ni Lider?" tanong ni Mitsuhiko na nakakunot ang noo habang may kinakalikot sa laptop na lagi nyang dala. Nakaupo lang naman yung dalawa.

Andito kase kami ngayon sa Dean's office, opisina ni Tojiro. Tinawagan kase ako ni Kuya Ichigo kanina na tipunin daw ang Phantom Six at pumunta nga dito.

"Ang sabi nya lang pumunta tayo dito" kibit balikat kong sagot at nilaro ang kunai sa daliri ko.

Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at iniluwa noon ang walang emosyong si Kuya Ichigo at si Tojiro. Napatigil sa pagtipa sa laptop nya si Mitsuhiko.

"Asan si Sakura?" lakas loob na tanong ko sa dalawa.

"Pinasama muna namin kay Ake" sagot ni Tojiro at parang problemadong naupo sa swivel chair nya. Si Kuya naman ay wala paring emosyon at nakahalukipkip lang sa isang tabi.

"Nabalitaan nyo ba ang tungkol sa limang lalakeng namatay dyan lang sa may eskinita malapit dito sa University?" mayamaya ay tanong ni Tojiro. Napakunot naman ang noo ko.

"Ah, yung aswang daw o mabangis na hayop ang may gawa" sagot ni Suichi. Napatawa naman si Mitsuhiko kahit ako ay gusto ding matawa pero masyadong seryoso yung dalawa kaya pinigilan ko nalang.

"Pfftt! Seriously?" nagpipigil nang tawang tanong pa ni Mitsuhiko.

Ikaw ba naman, computers ang bestfriend mo at umiikot sa technology ang buong buhay mo, maniwala ka pa ba naman sa mga supernaturals katulad nang aswang at multo? I don't think so to Mitsuhiko.

"Teka, Ichigo tungkol ba dyan ang paguusapan natin?" biglang tanong ni Akai. Napabuntong hininga naman si Kuya at sinenyasan si Tojiro.

"Kanina, galing kami doon sa may eskinita dahil doon pala nakatira yung Manang na nagtinda nung mga inihaw na dala ni Ake at napag alaman namin na  yung limang namatay ay nakasalubong ni Ake kagabi" kwento ni Tojiro.

"Sinasabe mo bang si Hime ang may gawa nun?" hindi makapaniwalang tanong ko. Natigilan din naman yung tatlo.

"Maaaring hindi at malaki ang posibilidad na Oo base sa itsura nya kagabe at mas pinagtibay pa dahil nito." may kinuha si Tojiro sa bulsa nya at ipinatong iyon sa lamesa.

"Kay Hime nga ang bracelet na yan" sagot ko ng makumpirmang kanya nga yun.

"Diba may ganyan din si Vincent?" tanong ni Akai.

"Pero imposibleng kay Vincent yan dahil alam kong nasa bahay sya kagabi at nasa room na sya ngayon" biglang sagot ni Mitsuhiko. Napatingin naman kami sa kanya. Seryosong nakikinig lang si Kuya.

"What do you mean?" tanong ni Suichi. Nagsimula na naman syang tumipa sa laptop nya at nung natapos ay saka may ipinakita sa amin.

"It's confidential...sana" alanganin pa syang tumingin kay Toji na hindi ko maintindihan ang ekspresyon nang mukha. "Maghahanap lang sana ako ng pwedeng pang blackmail kay Tojiro kaya naisipan kong ihack ang system nitong school..you know baho?..." binato agad sya ni Tojiro ng vase na nasalo naman ni Mitsuhiko kaya hindi nabasag. Napailing nalang ako.

Ito talagang dalawang to kahit kailan. Tsk!

"Baka ikaw ang mabaho dahil hindi ka naliligo!" bulyaw ni Tojiro. Napapailing nalang kami.

"Wala naman akong nakita na kahit isang pang blackmail.." nakasimangot na turan nya. "...As I was saying kasama to sa nahack ko sa system ng school. Ito ang blue print nang University in a 3D way" paliwanag ni Mitsuhiko.

ASSASSIN meets the GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon