Naglibot libot muna ako dito sa Pilipinas para mafamiliarize ako dito. Bumili na din ako ng kotse, Red lamborgini aventador. Nakapag grocery na rin ako kaya puno ang laman ng ref ko. Bumili na din ako nang gamit para sa school at iba pang personal na kailangan ko.
Speaking of, ngayon ang first day ng klase ko sa Seirin University. Dun din pala pumapasok sina Ichigo at Kakashi nii-chan kasama sila Akai, Suichi at Mitsuhiko pati na din si Ate Sakura. Hindi man lang sinabe sakin. Psh!
Ipinark ko nalang 'yong kotse ko nang maayos at lumabas na. Pinag titinginan nga ako nang mga estudyante eh. Tiningnan ko din 'yong suot ko pero maayos naman. Nagtuloy tuloy nalang ako sa paglalakad. Hahanapin ko pa yung Deans office.
Saan kaya yun?
Ang lawak naman kase nitong school at ang init pa. Hmm.. ah alam ko na. Since madami namang puno dito at puro nasa tabi kaya aakyat nalang ako.
Sinimulan ko nang akyatin ang puno kahit may mga nakatingin sakin. Tumalon talon lang ako sa mga sanga nang puno, para saan pa at naging assassin ako kung simpleng pag akyat lang ng puno hindi ko pa magawa, easy. Hanggang nakita ko na ang Deans office.
Kumatok muna ako nang tatlong beses at pumasok na pero walang tao.
Asan na yun?
Sabi nang secretary sa labas pumasok na daw ako.
Habang inililibot ko ang paningin sa buong office ay biglang bumukas ang pinto kaya napaharap ako dun, nung makilala ko kung sino yung nagbukas ay agad kong inilabas ang kunai na nakatago sa bulsa nang skirt ko at agad akong nagpunta sa likod niya nang hindi niya namamalayan.
Sa isang mabilis na kilos ay agad akong nakasampa sa likod niya. Ipinulupot ko ang binti ko sa bewang niya habang nakatutok ang kunai ko sa leeg niya. Iyong natitirang kamay ko naman ay ipinang sabunot ko sa buhok niya.
"Hisa shi buri"(long time no see) malamig na bulong ko sa tenga niya.
"Aww! Aww! Te-teka nga! Pwede bang bumababa ka muna saken at pwede bang ibaba mo muna yang kunai mo at baka masugatan pa ko" sabi niya.
Tinanggal ko naman ang pagkakasabunot ko sa kanya at dahan dahang bumaba sa likuran niya, ibinalik ko na din ang kunai sa bulsa ko.
"Teka sino ka ba? At bakit ka nandito? Asan na yung Dean?" Sunod sunod at nakadurong tanong ko sa kanya. Hinawi naman niya ang daliri ko at nagsalita.
"Wag kang tumuro at baka manuno ka at ako si Jiro. Inutusan ako ni Dad. Sabi nya may transferee daw at ako nalang ang bahala sayo." napangiwi pa ako nung makita ko na nagulo ang buhok niya. Tumango tango nalang ako sa sinabi niya.
"Kaya pala pamilyar ka saken" maya maya ay sabi niya. Hindi ko nalang pinansin at naupo na sa sofa.
"Bawal pumatay dito sa loob ng school, sa labas pwede" napatingin ako sa kanya na nagtataka.
"Alam kong assassin ka pasaway. May iba din ditong assassin, mga mafia heir at iba pa lalo na may mga NORMAL na tao dito kaya yan ang patakaran" sabi nya. Tumango tango nalang ako. Hahaha hindi ko trip magsalita eh. Pfftt.
"Psh! Hoy! Hindi ka ba magsasalita dyan?" Bulyaw niya saken.
"Hahaha. Oo na, oo na. Naiintindihan ko" inilahad ko ang kamay ko sa harap nya.
"Akemi Takeno" inabot naman nya ang kamay ko at nakipag shake hands.
"Jiro Mitsuki"
"Oh?" dinuro ko siya. "Batang uhugin!" masayang tawag ko sa palayaw niya nung makilala ko kung sino siya. Namula naman ang tenga niya at napasimangot.
"Pwede bang Jiro nalang ang itawag mo saken? Nakakahiya kapag may nakarinig" bulong niya saken. Tumango tango naman ako. Hinila na ako ni Jiro palabas ng office at tumakbo papunta sa classroom namin.
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Action"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME