TOJIRO
*CRING! CRING! CRING!*
"Hmm.." ungol ko. Tumagilid ako sa kanan at nagtaklob ng unan.
*CRING! CRING! CRING!*
"Hmm.. Ake! Wag kang humilik sa tenga ko! Psh!" inis na nagtalukbong ako nang kumot.
Yung hilik nya tunog alarm clock. Nakakarindi!..
Bigla akong napamulat.
*CRING! CRING! CRING!*
"Aish!" inis akong bumangon at pinatay ang istorbong alarm clock na yun.
"Sino naman ang nag alarm nito?" para akong baliw at inis na kinakausap ang sarili, pero bigla kong natampal ang noo ko at dali daling bumangon nung makita ko ang oras.
7:00am
"Aish! Ako nga pala ang nag alarm nun!" nakamot ko pa ang batok ko.
Dali dali kong hinubad ang T-shirt ko at kinuha ang towel. Muntik pa akong madulas nung makatapak sa floor ng banyo dahil sa pagmamadali.
Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ay saka ako walang katok na pumasok sa kwarto ni Ake.
Parang hindi babae kung matulog. Psh!
"Ake" hinawi ko ang kurtina sa kwarto nya para lumiwanag, saka ko ulit sya ginising.
"Ake, gising na!" tinanggal ko ang kumot na nakataklob sa kanya at inuga uga sya.
"Hmm.. 5 minutes pa, Toji" antok pa na sabi nya at nagtaklob ulit ng kumot.
Tinanggal ko naman ulit ang kumot nya at tinabihan sya, niyakap nya naman ako ng mahigpit at sumiksik sakin.
"4 minutes" salita pa nya habang nakapikit. napangiti ako at hinawi ang buhok na nakatakip sa mukha nya. Kawaii *^_^*
"Sige, Ake. After 4 minutes gumising kana ah? Malalate ka sa pagpasok. Mauuna na ako. Marami kase akong kailangang asikasuhin sa school. Dun ka nalang din magbreakfast okay?" antok na tumango naman sya bilang sagot. Napangiti nalang ako.
I kissed her forehead at kinumutan ulit sya. Sinulyapan ko pa sya bago ko dahan dahang sarhan ang pinto nang kwarto nya at patakbong lumabas.
Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay saka ulit ako patakbong pumunta sa parking lot. Pinagtitinginan pa nga ako ng ibang tao at binabati nang mga empleyado ko pero hindi ko nalang sila pinansin.
Late na ang Dean. Psh!
Pagkasakay ko ng sasakyan ay saka ko binanatan ng harurot paalis, hindi na ako nagsuot ng seatbelt at tinungo na ang daan papunta sa paaralan.
SEIRIN HIGH
Swabe kong ipinarada ang kotse at mabilis na bumaba. Inilock ko lang at patakbong tinungo ang daan papunta sa Dean's office, sinusulyapan ko pa ang pambisig na relo ko para tingnan ang oras.
Pero sa kalagitnaan ng pagtakbo ko ay nakasalubong ko ang Phantom Six, pinangungunahan syempre ni Ichigo Senpai. Kahit malayo pa lang ako sa kanila ay malinaw kung nakikita ang expression ng mukha nya.
Blangko.
"Mukhang nagmamadali ka ata Bro, Hahaha" si lokong Mitsuhiko. Tinawanan pa ako. Inismiran ko lang naman sya.
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Action"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME