AKEMI
After 6 days New Year na..
Dito nalang namin napiling magcelebrate sa unit namin ni Toji. Since first time kong dito din magcecelebrate nang New Year sa Philippines. At may paniniwala daw ang mga Pilipino na kapag inabot ka nang New Year na wala sa bahay, ibig sabihin daw ay isang taon kang wala sa bahay.
Kaya pagkatapos naming makapag linis ng bahay at magluto ni Toji ay pinilit ko syang maligo agad. Mahirap na, baka abutin sya ng New Year at ang ibig sabihin nun ay isang taon syang hindi naliligo. Eww!
Tawa pa nga sya nang tawa nung ipinaliwanag ko kung bakit kailangan nyang maligo agad at ganito pa ang sabi nya..
"At talagang naniwala ka dun sa sinabi nung ale sa mall kanina? Hello! Japanese ka kaya Ake! Hahahaha!" ayun kinaladkad ko na papasok ng banyo.
Hindi naman masamang maniwala, diba? diba?
Sinabi ko na din kina Kuya na dito nalang kami magnew-New Year at pumayag naman sya. Sila nalang daw ang pupunta dito nang mga pinsan namin. Kaya bigla akong kinabahan dahil baka pumunta din sina Outo-san at Lolo, pero kahit hindi ko pa nasasabi sa kanya na kinabahan ako bigla ay inassure na nya sakin na hindi sila makakapunta dahil may mahalaga daw silang aasikasuhin at maya maya daw ay pupunta na silang Phantom Six dito. Bago pa nga nya ibaba ang tawag ay tinawanan nya muna ako. Psh!
Ininvite ko din ang buong Death Gang na dito na din magcelebrate ng New Year since hindi kami nagkasama-sama nung Christmas. Buti nalang kumpleto sila nung tinawagan ko si Jiro. Tuwang tuwa sila. At ang mga loko prepared na daw, sadyang hinintay lang nila ang tawag ko. Eh, paano pala kung hindi ko sila tinawagan noh? Hahaha!
Maya maya pumasok ako sa loob ng kwarto ko to check Akari. Baka gising na sya o gutom na at para mabihisan ko narin sya. Hihihi ^_^ bumili din kase ako kanina sa mall ng mga pwede nyang magamit like sa hygiene, toys, cat food at ito ngang mga pwede nyang isuot. Na kyutan kase ako lalo na sa isang 'to na kulay red at polka dots, uso sa New Year.
Tuwang tuwa naman ako matapos kong makita ang itsura nya. Kawaii Akari *-*
Maya maya nagring ang cellphone ko. Pagtingin ko ay hindi naman cellphone ko ang nagriring, kaya naisip ko na kay Toji yun, kase nga Lodi nya ako kaya ultimong ringtone ko tinulad nya.
Nung sinundan ko ang pagring ay nasa may study table ko nagmumula ang tunog. Kukunin ko na sana para ibigay kay Toji kase baka mahalaga pero napatigil ako sa pagdampot nung makita ko ang pangalan ng caller.
Close sila? Ahh... baka kamakailan lang.
Tumango tango pa ako bago sagutin ang tawag.
"Hello Vincent! Merry Christmas and Happy New Year!"
Bakit parang excited akong makausap sya? Ganun ko ba sya kamiss? Teka! hindi ko sya namimiss ah!
"K-kemi? Si Kemi ba to? asan si Toji?"
Ganyan ba dapat ang sagot sa masayang greetings ko? At ako naman ang kausap nya naghahanap pa ng i---teka nga Kemi..
Akemi! ay letche!
BINABASA MO ANG
ASSASSIN meets the GANGSTER
Action"We work in the DARK to Serve the LIGHT" -Akemi Takeno This is a work of fiction. Any resemblance to a person, place, events or whatsoever is just purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME