CHAPTER 75 The Shocking Surprise

1.3K 41 11
                                    

CHAPTER     75       The Shocking Surprise   

SAMOTNY

Nanatili lang akong tahimik sa aking kinauupuan habang ang iba ay nakikipagchat sa aming mga ka-table.   Napansin kong medyo tahimik lang din si Rusty.    Mukhang malalim din ang iniisip.   Hindi siya nagsasalita hangga't may magtatanong sa kanya.

Ang ka-date naman niya ay masyadong madikit sa kanya.   Panay ang kanyang hawak kay Rusty na siya namang ikina-iinit ng aking butchi.  

Sinimulan na rin ang pag-serve ng aming mga pagkain.   Mukhang mamahalin at masasarap ang lahat ngunit wala akong ganang kumain.   Parang halos lahat ay di ko malasahan.    Ganito na ba talaga ako ka-bothered na kahit ang pagkain ay hindi ko ma-appreciate?  

__________________

Matapos naming kumain ay sinimulan na ang awarding ceremony.   Excited ang karamihan na malaman kung sinu-sino ang makakatanggap ng mga awards ngayong gabi.

Nagpalakpakan ang lahat habang ina-announce ang mga nanalo.

Best Restaurant Design :  Momotaro

Best Restaurant Service:   Embeya

Best Chef of the Year:   Lee Woyen, Boka

Marami pa ang ang mga binigyan ng mga parangal.    Ngunit nagulat ako nang i-announce ang huling award.

"And the 'Best New Restaurant' award goes to........"

".......... MOTs!!!!!"

Bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko.   Nanalo ang restaurant ni Rusty na ipinangalan niya sa akin.   Hindi ko matanto kung ano ang dapat kong maramdaman.

Nagsipagtayuan ang lahat at nagsipagpalakpakan ng malakas.   Tumayo rin si Rusty at tumungo ng stage upang tanggapin ang kanyang award.   Tumayo rin si Tracy at sinundan siya.

Marami ang mga nag-abot ng kanilang mga kamay kay Rusty upang i-congratulate siya.   Ang iba naman ay tinapik siya sa kanyang likod.

"Here to receive the award is the owner and the man behind the success of MOTs,  Rusty del Torro."

Nagsipagpalakpakan na naman ang lahat nang makarating na sa stage si Rusty.   Ngayon ko lang din siya natignan ng buo.   Nag-uumapaw pa rin siya sa kagwapuhan lalo na sa suot niyang navy blue na suit.   Pero parang pumayat yata siya ng konti.   

"Thank you.  Thank you for this very honorable award.  It wouldn't have been possible without my very hardworking business partner, Tracy Hanes," pagsasaad ni Rusty at pagkatapos ay inintroduce din niya si Tracy sa entablado.    Lalo namang lumaki ang ngiti ni Tracy.

"Good job both of you.   But speaking of 'partner', what's the inspiration behind this phenomenal restauarant?   The buzz is, you are dedicating this restaurant to a special someone.   Is that true?   Can you tell us more about this?" pagtatanong ng emcee.

Bigla akong kinabahan.   Ano itong tinutukoy ng emcee?

Huminga ng malalim si Rusty bago siya sumagot.

"Well, I started this restaurant because of someone special to me," tumigil saglit si Rusty at tumingin sa akin bago nagpatuloy.  

"The name of the restaurant itself is derived from her name.   The colorful ineriors are inspired from her colorful and radiant personality.   Even the names of the dishes and drinks are also related to her.   I was going to surprise her but things didn't go as planned.   I wish I could reverse time to make things right."

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon