CHAPTER 48 NEOPRINT

2K 59 20
                                    

* This chapter is dedicated to @AibelGutierrez .     Salamat sa pagtangkilik!    =)   *

CHAPTER         48             NEOPRINT

Nang matapos kaming dalawa sa aming harutan ay  tsaka lang namin napansin ang mga taong nasa harap namin.    Lahat sila masama ang tingin sa amin.     Oo nga pala, may mga kasama pa pala kami sa table. Yari na.  

"Seriously guys?"  mataray na pagsabi ni Teren.

"Oh my gulay.    Alalahanin niyo naman na kasama niyo pa rin kami.    Mukhang enjoy na enjoy kayo ah sa sarili ninyong mundo,"  pagrereklamo ni Kiray.

Natahimik na lang kaming dalawa ni Rusty.    Eto kasing lalaking ito ang may kasalanan eh.     Hindi ko rin naman inaasahan ang playful side niya.     Hindi kasi halata.

"Sorry na po,"  pagpapaumanhin ko sa kanilang lahat.    "Behave na Honeybunch ha."

"K, Hun, " pag-sasang-ayon ni Rusty.    "I'm sorry too."

"Hay nako, ewan ko ba sa inyo.    Hindi ko alam kung pagkukunwari pa rin iyang 'Honeybunch' at 'Hun' niyo ha.    Hay naku, bilisan niyo na nga lang at para makapaglibot na tayo sa mall,"  mataray ding sabi ni Yokaby.

Tumahimik na kami ni Rusty at seryoso nang kumain.      Yun nga lang, share pa rin kami ng pagkain.    Toink!

___________________

Naglakad lakad kami sa mall pagkatapos naming kumain.     Si Rusty naman ay nakabuntot pa rin sa akin habang nakikipagchikahan ako sa mga friends ko.    Si Yosef naman ay kasama niyang maglakad.   

Napagdesisyunan ng lahat na pumunta ng Game Zone para maglaro ng mga arcade games.     Bumili kami ng mga tokens at nagsimulang maglaro ng kung anu't-anong games.    

Nagpakitang gilas naman sina Rusty at Yosef sa basketball game.     Ang gagaling talaga nilang mag-shoot ng bola.      Ang tataas ng mga scores nila pero mas lamang si Rusty.   Yes!  That's my Honeybunch.    Proud GF kunwari.   Hehe.

"Ok Hun, this one's for you," pagsasaad ni Rusty with thrill in his voice.    Naglagay ulit siya ng token.     

Nagsimula na siyang mag-shoot ng mga bola.    Ang pinagkaiba lang ay hindi siya nakatingin sa basket  habang shinu-shoot ang bola.    Nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti.      What a show-off!     Pero in fairness, na-shoot niya ang lahat ng bola kahit na hindi siya nakatingin sa basket.    Wow, sige na nga, ikaw na ang gwapo, ikaw na rin ang magaling mag-basketball.   

"Do you want to try?" tanong niya sa akin.

"I'd love to!"   Excited kong sabi.    Gusto ko rin kasing mag-shoot ng bola.     Nilagyan na naman ni Rusty ng panibagong token ang machine.

Ayan, ako naman ang magpapakitang gilas.    Mahilig  din kasi akong magshoot ng basketball.     

Nagsimula na akong mag-shoot.  Ayan, pasok ang first ball.   Pasok din ang second ball.    

"Hun, you're doing great but you're not doing it right," pabulong na sabi ni Rusty sa likod ko.      Wait, sa likod ko?    Bakit ang sobrang lapit niya sa likod ko?    Na-miss ko tuloy yung basket.

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon