CHAPTER 45 Oh Dear

2.2K 54 29
                                    

CHAPTER       45           Oh Dear

"I...   I want to get to know you better....."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.    Totoo nga ba iyon???    Tinignan kong muli si Rusty.     Nakatingin pa rin siya sa akin ng seryoso.     Nakakatunaw talaga ang mga tingin niya.

Muntik nang mawala ang balance ko at muntik na rin akong malaglag sa hagdanan.    Bakit naman kasi sa may hagdanan pa nangyari ang mga kaganapang ito.      

Nahawakan naman akong bigla ni Rusty.    Napasandal ako sa kanya.    Nalanghap ko na naman ang matamis at mabango niyang amoy.      Lalo na yata akong mahihimatay sa kabanguhan niya.     Nakasandal pa ako sa makisig niyang katawan.    Para na akong lumulutang.   

"Are you ok, Sam?"

Am I ok?     I don't think so.     Pwedeng pasandal na lang sa iyo forever?

"Ah,...  uhm..  uh....  I'm ok.    Thank you,"  tameme ko pa ring sagot.   Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng mukha ko at ng buong katawan ko.     

Paano nga ba ako magiging ok?    Paano nga ba ako makakapag-react sa sinabi niya?     

I want to get to know you better.....

Aaaahhhhhhhhh!    Puwede na bang mahimatay sa kilig?!

"Sam.."

Ay sandali.     Nakasandal pa nga pala ako kay Rusty.     Agad naman akong umayos ng tayo at naglakad ng konti mapalayo lang sa hagdan bago pa may mangyaring di kanais nais.

"So, will you let me make it up with you?"  tanong ni Rusty sa akin habang nakatingin sa akin ng deretso.

"K, fine.    If you insist!" sagot ko sa kanya.    Ang haba ng hair ng lola mo.

Napangiti si Rusty.     Patay.     Magiging weakness ko na talaga ang mga ngiti niya.

"Great!      So, uhm,   let me walk you to your room."

Magkasabay kaming naglakad papunta sa room ko.     Ramdam ko rin na pinagtitinginan na ka ng mga kaklase ko lalung-lalo na ng mga lukaret kong mga friends.

"I'll see you later, Sam,"  pagpapaalam ni Rusty sa akin bago siya umalis.     And take note, nakangiti pa rin siya habang naglalakad siyang paalis.

Tulala pa rin ako at nakangiti habang papunta sa upuan ko.

"Huy Mots!     Anong meron?   Hmmm....   Iyang ganyang pagmumukha eh, mukhang alam ko na kung anong meron eh," pang-iimbestiga ni Kiray.

"Oo nga.     Hmm...  Let me guess, may magandang nangyari between you and Blue ano?"  dagdag ni  Sayyen.

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon