CHAPTER 57 The Moment of Truth

1.6K 51 30
                                    

CHAPTER          57      The Moment of Truth

"Mots!   We have a special game for you and we have to blindfold you," pagsasaad ni Sayyen.

Ha?   Ano daw???

"Anong kalokohan iyan?" sagot ko.

"Basta masaya ito!" excited na sabi ni Sayyen.

Sinimulan na nila ang pag-blindfold sa akin.    

"Ok, so this is how it goes.    Meron kaming tatlong contestants.    Pipili ka ng isa sa kanila sa pamamagitan lamang ng sense of 'touch'.    Kung sino man ang may pinakamaraming points, siya ang mananalo.   Game?" pag-aannounce ni Kiki.

Oh ehm gee.   Ano ba naman itong pinaggagagawa nila?   Ang awkward lang dahil naka blindfold ako while they're all watching me.    

Na-intriga naman ako kung sino ang mga contestants.   Kasali kaya si Rusty?    Baka naman hindi dahil wala naman siya dito.

"First round.   Pipili ka sa pamamagitan ng paghawak ng kanilalang mga kamay," pagpapatuloy ni Kiki.     Maligalig namang nagsipagtiliian ang mga tao.

Pinalapit na nila ako sa mga contestants.

#1:    Malambot ang kamay niya at makinis.     Masarap hawakan!

#2:    Mas magaspang ang kamay neto kesa kay #1.    Mas lalaki ang feel.    Parang familiar din ang feel.   Sino kaya si #2?

#3:    Nagulat ako nang makaramdam ako ng kuryente nang mahawakan ko ang kamay niya.   Ano ba yan?   Pinakiramdaman ko pang maigi ang kamay niya.   Naramdaman ko ring hinawakan niya ang kamay ko.   Bumilis ang tibok ng puso ko.    Familiar din ang feel.    Could this be???

"Ok, Mots.   So sino ang napili mo sa first round?" pagtatanong ni Kiki.

"Hmmm.....    I would have to go with #3."

"One point for #3!" pag-aannounce ni Kiki.    Naghiyawan naman ang mga tao.

"Brace yourself for the next round, Mots.   Pipili ka sa kanila sa pamamagitan ng paghawak ng kanilang......... ABS!!!"    

Nagsitiliihan ang mga kababaihan.   Nakarinig lang ng 'abs' eh masyado nang na-excite. 

Pero ano daw kamo??   Hahawakan ko ang abs nila???    Oh my gulay!

Nilapit na naman nila ako sa mga contestants.

#1:   Hmmm.   Mukhang hindi naman siya mataba pero walang abs.   Malambot ang tiyan at napakakinis ng kutis.   Sino ba ito?   Mukhang mas makinis pa ang kutis kesa sa akin.

#2:    Ay ayan.   Eto may abs.    Mahawakan nga ulit.   May abs nga!   Naramdaman kong uminit bigla ang mukha ko.   Nakakahiya naman.    Mukhang maganda ang katawan netong lalaking ito.   Sino kaya siya?    Kilala ko kaya siya?

#3:    Aba't may abs din ang isang ito.    Mukha ring maganda ang katawan.   Mukha yatang mahihirapan ako sa pagpili!

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon