CHAPTER 61 Sana.....

1.9K 52 15
                                    

CHAPTER        61       Sana......

SAMOTNY

Yawn.    Ang aga ko naman yata sa mall.    Bakit naman kasi nila naisipang mag-mall ng maaga ngayon?    Magkita-kita daw kami dito ng mga friends ko.    Sabagay gusto ko rin namang ma-check ang mall scene dito sa Makati ngayon.   Napakalaki na ng pagkakaiba at ang dami ng mga bago.  

Hindi naman na sumama pa si Joralu dahil gusto pa niyang matulog.   May jetlag pa daw siya.    Ako nga rin eh, kaya lang mapilit lang talaga sila Kiki.   

Mukhang di pa rin ako nakakarecover sa tulog matapos ang napaka-eventful na reunion nung isang gabi.   Ok naman ang lahat hanggang sa biglang sumipot ang Crystal na iyon!   Mula nang dumating siya, hindi na rin kami muling nakapag-usap pa ni Rusty.    Hanggang doon na lang din talaga siguro kami.   Iyon na rin siguro ang kasagutan sa mga tanong ko.   It's over.   Get over it.   Sigh.    Pero bakit hindi pa rin ako makuntento?   Parang kulang pa.   Parang hindi pa rin sapat na hanggang duon na lang iyon.   Feeling ko, dapat may karugtong pa.    Pero feeling ko lang naman.   Iyon din ang problema, ako na naman itong nagfi-feeling na may karugtong pa dapat.

 ________________

Hay, nasan na nga ba sila?   Bakit wala pa sila?    Matawagan nga.

Tinawagan ko si Sayyen.    Riiiinnnng.   No answer.   Seriously?

Eh si Yokaby kaya?     Ring.   No answer.   Anubeh?

Si Kiki kaya?    Sana naman sumagot.    Ring.

"Hello?   *yawn*"  Yes!  Sa wakas may sumagot din.

"Huy!   Nasaan na ba kayo?   Kanina pa ako nandito?" 

"Ha?   Ang aga aga mo namang mangbulabog.   Ano bang pinagsasasabi mo?   Nasaan ka ba?"

"Heller?! Nasa mall ako.   Aren't we supposed to meet here?   Wait, don't tell me nasa bahay ka pa."

"Ha?   Bakit nasa mall ka na?   Mamaya pa ang usapan natin diba?   Hindi mo ba na-receive ang group message ni Sayyen?"

Uh oh.

"What message?   Don't tell me I'm the only one who's here right now."

"I'm afraid to say, but you are.     Sorry Mots!   Nasa bahay pa kaming lahat.    They changed the time to this afternoon pa.   Oh I'm so sorry.    What are you gonna do now?"

 Fudge.    What am I supposed to do?   I don't want to go back to the hotel either.

"Hay naku.   What else am I supposed to do?   I guess I'll just go around the mall for now.   I'll go to the bookstore to find something to read then grab a coffee.   I'll be fine, I guess."

"Sorry talaga.   I'll text everyone to let them know to come earlier.   See ya later Mots!"

Oh well.    It happens.   Buti na lang mabait ako ngayon.   

_______________________________________

Matapos kong mag-ikot ikot ng konti sa mall, I decided to go to National Bookstore.    Makapaghanap na nga ng mababasa at makatambay na lang muna sa Starbucks.   

Mahilig pa rin talaga akong magpunta sa mga bookstores.   I  love the smell of books especially new ones.   Hmmm, ang bango bango talaga.  

May nakita naman akong isang section na mukhang interesting.  Puro mga Pinoy pocketbooks.   Parang noong mga araw lang ng  Precious Moments.    Naalala ko lang nung High School na patago akong nagbabasa ng mga Pinoy pocketbooks dahil ayokong ipaalam sa mga kaibigan ko ang aking kabaduyan.    Ang nakakaloka pa ay nahuli ko rin si Teren na patagong nagbabasa ng Pinoy pocketbook noon.    Naloka kami sa kabaduyan naming dalawa at nagtawanan na lamang kami.    I guess we all have this inner kabaduyan that we sometimes do not want to reveal.    Pero ngayon, sa tanda kong ito, wala na akong pakialam sa kung ano mang isipin ng ibang tao.    

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon