CHAPTER 76 Big Mess

1.5K 45 12
                                    

CHAPTER      76     Big   Mess

SAMOTNY

"CUTTTTTTTT!!!!!"

"I'm sorry again, direk," pagpapaumanhin ko sa aming direktor.  

"Alright, alright.   Take a quick break everyone!" pag-aannounce ni direk. 

"You seem to be out of it lately, Samotny.   Is there anything bugging you?" pagtatanong niya sa akin.

Sigh.   Meron.  Malaking bagay.   Sagot ko sa aking sarili pero siyempre hindi ko iyon sinabi.

"Uhm, nothing.   I'm just probably really tired," ang tangi ko na lang nasagot sa kanya.

"Ok.  Whatever it is Samotny, you better get yourself together.   Alright?   Now, take a quick break and hopefully you're feeling better when you get back on the set."

"Ok, sir.   I'm really really sorry for causing so much delay.  And, thank you for understanding," sagot ko sa kanya.

Nginitian lamang niya ako at tinapik sa likod bago siya tuluyang umalis.

Sigh.  

I'm a big mess! 

Isang linggo na ang nakakalipas nang malaman ko ang buong katotohanan.   Walang araw na hindi ko naiisip si Rusty at ang lahat ng mga pangyayari.   

Habang tumatagal ay mas lalo kong naiisip ang aking mga pagkakamali.   Lubusan ko ring sinisisi ang sarili.    

Tumawag naman si Rusty sa akin ng ilang beses ngunit hindi ko sinasagot dahil hindi pa ako handang  kausapin siya.   Nahihiya ako sa kanya.   Parang feeling ko hindi ako deserving na maging girlfriend niya dahil pinagdudahan ko siya agad.   

Nang makalipas naman ang ilang araw at handa na akong makausap siya, siya naman itong hindi na nagpaparamdam.   Hindi na niya ako tinatawagan o tinetext man lang.   Sinubukan ko rin siyang tawagan ngunit palagi namang dumederetso sa kanyang voicemail.

May isa pa ngang beses na napagpasiyahan ko siyang puntahan sa kanyang restaurant at nagbakasakaling makita siya doon.   Nag-abang ako sa loob ng aking kotse at hinintay siyang makalabas ng restaurant.   

Laking galak ko nang makita ko siyang lumabas ng kanyang restaurant ngunit agad din namang nawala ang aking galak nang makita ko ring nakasunod si Tracy sa kanya.   Magkasabay silang naglakad patungo sa kanyang kotse habang maligalig na nag-uusap.   Ang lalong ikinalungkot ng puso ko ay nang makita kong pinagbuksan pa niya ng pintuan si Tracy sa kanyang kotse.

Sabay silang umalis sakay ng kanyang kotse.    Sobrang sakit ng nasaksihan ko na hanggang ngayon ay ikinasisikip pa rin ng aking damdamin.

Hindi ko na naman napigilang maiyak.   Siguradong pulang pula na naman ang aking ilong dahil kanina pa ako iyak ng iyak.   Kaya rin naman ako hindi makapag-focus sa aming taping kanina.   Palagi kong nakakalimutan ang aking mga lines at naiiyak na lang kahit na hindi naman kailangang umiyak sa scene.  

Buti na lang at pinag-break na muna kami ni direk.

Patuloy pa rin ang aking pag-iyak habang nakaupo ako sa isang bench sa likod ng aming studio.    Paborito kong tambayan ito kapag kailangan kong makalanghap ng hangin in between tapings.   Dito rin ako nagpapractice ng aking mga lines.    Tahimik kasi dito at walang ibang taong nagpupunta dito.

Sigh. 

Paano ko ba ito aayusin?    Huli na kaya ang lahat para sa amin ni Rusty?

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon