CHAPTER 53 Celebration

1.8K 47 12
                                    

CHAPTER           53           Celebration

......This girl's taken.    She's my girlfriend.

Girlfriend???    Anong girlfriend ang pinagsasasabi ni Rusty?

Hawak hawak pa rin ni Rusty ang kamay ko at patuloy pa rin siya sa paghila sa akin hangga't sa makalabas na kami ng bar.    

"Rusty, ano ba?      What's the matter with you?" tanong ko sa kanya.

"What's the matter with YOU?!" medyo pagalit niyang sagot.

"What do you mean?    Hindi ko maintidihan," pagsasaad ko sa kanya.

"What were you doing with that guy?!"  galit pa rin niyang tanong.    Hindi ko na talaga siya maintindihan.     

"He's just being friendly to me.   He seemed nice.     Teka, teka.     Bakit ka ba nagagagalit?" sagot ko sa kanya.    Medyo naiinis na rin ako.

"You're not supposed to be that friendly with other guys, especially when I'm around," sagot niya.

"Eh bakit naman?     Bakit hindi pwede?"

"Because you're still my girlfriend...." sagot niya.

Because you're still my girlfriend...

Girlfriend??!!!

"What do you mean I'm still your girlfriend?    Eh diba, hanggang graduation lang naman yung pagpapanggap natin?"  gulat kong tanong sa kanya.

"Why?    Did I ever say that we're ending it already?"  sagot niya.

"Well..... uhm..... hindi pa," sagot ko.    Oo nga naman, wala nga naman siyang sinasabi na tapos na.     "Pero hindi ba't sabi mo we're only extending it until graduation?"

"But I didn't end it yet, did I?    So don't assume that it's over because it's not,"  pagsasaad niya.

So, extended pa rin pala ang pagiging mag-boyfriend namin.    Ulit.     Whoah!

"So, you're not allowed to be too friendly with other guys.   Understand?"

"Pero bakit naman bawal?    Pakikipagkaibigan lang naman," angal ko sa kanya.

"Because.....because....." pagsasalita niya na parang nahihirapan sa sasabihin niya.    "Because.... I get jealous!   OK?!    There, I said it!   Are you happy now?!"

Jealous??    Nagseselos siya?    Weh?   Totoo nga?     Tinignan ko ang mukha niya.    Mukha naman siyang seryoso.    Nagseselos pala siya.    Gaaaahhhh!   Hindi ko na naman maiwasang kiligin.

"Ah.....Uhm...  ahem...."  Bakit parang ako naman itong hindi makapagsalita ng maayos ngayon?   Ano ba??

"So ganon, hindi pala ako pwedeng makipagkaibigan sa ibang lalaki.     Pero bakit ikaw pwedeng makipaglandian sa mga babae???"   Iyon na lamang ang nasagot ko sa kanya na may halong pagka-inis.

"What do you mean?"  pagtataka niya.

"Ikaw nga itong nauna kanina eh.   Tatlong babae pa ang ine-entertain mo!   Hindi rin naman fair iyon!"   Ako naman ang galit ngayon.

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon