CHAPTER 51 Graduation Day

1.9K 53 23
                                    

CHAPTER       51       Graduation Day

SAMOTNY

Graduation day na namin ngayon.    Kasalukuyan na kaming nagmamadali ng pamilya ko.    Mukhang male-late pa yata kami.    Hay, as usual.    Nasa lahi na yata talaga namin ang palaging nale-late.  

"LANDO!"  pasigaw na tawag ng Mama ko sa Papa ko. 

"Hay naku!   Talaga iyang Papa mo, ang bagal bagal!   Male-late na talaga tayo,"  dagdag pang reklamo ng nanay ko.

"Anong pinagsasasabi ng Mama mo diyan?   Kanina pa ako ready noh!" sagot naman ng tatay ko na bigla namang nag-appear from out of nowhere.

"Tara na nga.    Male-late na talaga ako.     Tsk,"   padabog kong sabi sa kanila.     

Ayokong ma-late sa araw na ito.    Last day na namin ito as High School students.     Gusto kong namnamin ang bawat moment.     At siyempre, excited na rin akong makita si Rusty.

Si Rusty.    Ang panandalian kong boyfriend.    Last day na nga rin pala naming mag-boyfriend ngayong araw na ito.    Nakakalungkot naman.   Last day na nga ng High School life ko, last day naman din ng lablayf ko.    Sana may extension ulit!

"Ay, ang videocam, huwag kakalimutan ah!"  pagpapaalala ni Madir.

"Nandito na Ma," sagot naman ng kapatid kong si Itot.

"Oh sige, tara na!" pag-aapura ni Madir.

Hay salamat, aalis na rin kami.     Sana lang makaabot pa ako sa sarili kong graduation.

______________________________

Buti na lang at nakaabot pa ako.      Nakapila na silang lahat sa kani-kanilang mga section.     Mag-uumpisa na kaming maglakad patungo sa mga upuan namin.     Agad na rin akong pumunta sa pila ko.

"Huy!   Ano bang nangyari sa iyo?!   Akala namin hindi ka na aattend ng graduation natin,"  masungit na pagsasaad ni Kiray.

 "Hay naku, the usual.    Ang bagal bagal nila Mama at Papa.   Ang tagal naming nakaalis ng bahay!" sagot ko naman.    Hindi pa rin ako makapaniwalang nakaabot pa ako.    Buti na lang at medyo na-delay ng konti ang ceremony.    

Inikot ko ang paningin ko sa paligid.    Nandito na lahat ng mga kaibigan ko.  Hindi kami magkakatabing lahat dahil by Honors ang order ng pila at by alphabetical order naman ang iba.     Hindi rin naman ako nakasama sa Honor roll.   Medyo disappointed nga ang parents ko lalo na ang tatay ko.   Nasanay kasi silang palagi akong may Honor since Kindergarten hanggang Grade Six.      Nang mag- High School na ay hindi na ako nakakasama sa Honor Roll.     Ewan ko  pero yung attention span ko sa class hindi na katulad ng dati.    Madalas ay nagmumuni muni at nagde-daydream na lang ako sa class lalung-lalo na netong Senior year dahil kay Rusty.     Hindi pa rin  naman kalayuan ang rating ko sa class.   Hindi lang talaga ako nasama sa Top 10.    Nasa pang 14th place lang ako.       Pero hindi ko naman iyon dinamdam na.    Masaya na ako dahil na-enjoy ko ang High School life ko lalung-lalo na ang Senior year.

Teka, nasaan na nga pala si Rusty?   Hindi ko pa nga pala siya naaaninagan.     Lumingon ako sa likuran ko.     Nasa likod kasi namin ang pila ng section nila.     Hindi ko naman siya makita dahil ang layo ng pila nila.

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon