Chapter 65 Almost...

2.2K 48 18
                                    

* This chapter is dedicated to @norming .    Thank you sa lahat ng suporta.   Nawa'y patuloy mo pa ring suportahan ang kabaliwan kong ito.   hehe.   Mwah!  * 

CHAPTER     65         Almost.....

BLAGGGGGG!

"Aray!!!"

May bolang lumipad sa amin ni Rusty na tumama sa gilid ng aming mukha.    Naputol tuloy ang aming almost-kiss moment.    

"Ay, sorry po.    Sorry po talaga," pag-papaumanhin ng taong humabol sa bola.    Teenager na lalaki ang lumapit sa amin.

Sorry?!   Sino ba naman kasing naglalaro ng volleyball ng ganitong oras?   

"Sorry po talga 'te at kuya," pagpapaumanhin ulit niya.    Mukha naman siyang sincere pero medyo naiinis lang ako dahil nasira ang moment namin ni Rusty.    Nandun na eh.   Malapit na niya akong halikan!   

"Are you ok?" pagtatanong ni Rusty habang chinecheck niya ang mukha kong natamaan ng bola.

"Ok lang naman siguro.    Medyo masakit lang ng konti.    Wala namang damage diba?"

"Oh no!    What's this?   There's something hideous on your face!" pagsasaad ni Rusty.

"Ano?  Are you serious?  OhmyGee!"  pagpapanic ko.    Pero natigil ako sa kakatili nang mapansin kong humahagalpak na sa kakatawa si Rusty.     Marunong na palang magbiro 'to ng ganito?   Kaloka ah.

"Ikaw ah.   Akala ko naman totoo.   Hindi bagay sa iyo.   Hmp," pagtataray ko sa kanya ngunit patuloy pa rin siya sa kakatawa.   "Kurutin ko iyang abs mo eh!"

"Gusto mo lang maka-chansing eh," sagot  naman niya na may pagkapilyo ang ngiti.   "You could just have said so, I'd let you touch me for free."

Nanlaki ang mga mata ko.   Kelan pa 'to natutong magbiro ng ganito?  

"Sige nga, pa-touch!" paghahamon ko sa kanya.  Siyempre libreng chansing na, papalagpasin ko pa ba?

Siya naman 'tong nagulat sa sinabi ko.   

"Oh ano?   Hanggang salita ka lang pala eh.    Haha.    Takot mo lang noh na manyakin kita?"  paghahalakhak ko.

Napatigil naman ako sa kakatawa nang lumapit siya sa akin at hinila ang kamay ko.   Ang sumunod na pangyayari ay hindi ko mapaniwalaan.   Inilagay niya ang kanang kamay ko sa may bandang tiyan niya.    Ay ang tigas!   Feel na feel ko ang mga abs niya!   Yummy!

Teka, ano bang ginagawa netong lalaking ito?    

"There.    You know, I don't back out on challenges.    Patikim ko lang iyan sa iyo.   If you want to touch me somewhere else, be my guest,"  pabulong niyang sabi sa akin with an evil grin.    "If you challenge me to kiss you, I'll kiss you."

Gaaaaaahhhhhhhh!     Ako naman itong natulala.    Ramdam ko na naman ang pag-init ng mukha ko. Anubeh?  Talo yata ako.    Sino itong kaharap ko?    Kelan pa naging ganito ka-aggressive 'tong lalaking ito?    

Hahalikan daw niya ako kapag chinallenge ko siya?   Wow!  Totoo iyon?

Well, as much as I want him to kiss me, ayoko namang dahil lang sa challenge.   Gusto ko yung kusang loob para mas feel.

"Nah, it's ok.    Save it for the rainy days," sagot ko sa kanya.   Akala niya noh.   Siyempre kailangang hindi ako magmukhang atat, kahit na atat na atat na akong mahalikan.

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon