CHAPTER 29 Ikaw Na Lang....

2.4K 50 14
                                    

Samotny's POV

"Rolf?"

Nakayakap pa rin sa akin si Rolf.    Kanina pa pala niya akong nakitang umiiyak dito?

"A.....anong ginagawa mo dito?"

Humiwalay na sa pagkakayakap sa akin si Rolf at tiningnan ang mukha ko.     Face to face lang naman kami ngayon.    Tinitingnan pa rin niya ako sabay pinahid niya ng kanyang kamay ang mga luha ko.

"Ang panget mo palang umiyak."

Agad ko naman siyang tinulak dahil sa sinabi.    "Siyempre.   Umiiyak nga eh.    May nakita ka na bang umiiyak na maganda pa rin???  Che!!!!   Umalis ka na nga.     You're invading my privacy"

"Teka lang!    Ikaw naman, binibiro ka lang.    Sige na, hindi ko na sasabihing panget kang umiyak.  Hehe"     

Pak!!!!!!     

"Aray naman!" pangrereklamo ni Rolf.    Agad ko naman kasi siyang napalo ng malakas.

"Panahon ba naman ito ng pagbibiruan?    Kita mo na ngang nalulungkot ako."

"Ano?   Pinaiyak ka na ng Rusty mo?" panghuhula ni Rolf.     "Well?"

"Hindi naman."

"Aminin mo na kasi," pangungulit ni Rolf.

"Hindi naman niya ako pinaiyak.     I mean,   wala naman siyang ginagawang masama sa akin directly dahil hindi naman kami.     Nasaktan lang ako nang makita ko ang katotohanan na sila na nga ni Daphne."

"For real?    Are you sure?    Baka naman nagkakamali ka lang."   Rolf.

"Hindi e.    Kitang kita ko na magkasama sila.    Nagtago pa nga sila sa may CR.    Nakita ko pang magkadikit sila na halos magkadikit na rin ang mga mukha nila."

"Sigurado ka ba sa nakita mo?    Baka naman na-misinterpret mo lang?"  Rolf.

"Teka, bakit parang ayaw mo yata akong paniwalaan?    Meron ka bang nalalaman tungkol sa kanila?"

"Ah...ah...   wala naman.    Wala lang.    I just couldn't believe that Rusty would like Daphne back especially when...........  I don't know.   Don't listen to me.    I'm not talking any sense right now.  Hehe,"  magulong sagot ni Rolf.         "Tara na nga.    We need to get back to class.     Tapos na ang recess."

"Sigh.     Wait.   Paano naman ang mukha ko?    Namamaga pa ang mga mata ko sa kakaiyak.    Ayokong may makahalata na umiyak ako."

"Hmm.   Eh di sabihin mo na lang na nagkaroon ka ng allergy attack.   Tapos yun na rin ang reason mo kung bakit ka late bumalik ng class dahil pumunta ka pa sa clinic."    Rolf.

"Alam mo, minsan may silbi ka rin pala noh?   Magandang idea yan!"

"Siyempre, smart ako noh.    Ok, let's go." Rolf.

Inabot niya ang kanang kamay para hilahin ako papatayo.

"Ang bigat mo naman!    Tumayo ka nga ng maayos,"   pangrereklamo ni Rolf.

Sa galit ko napabigla ang pagtayo ko na kasabay naman ng malakas na paghila ni Rolf sa akin.     Ang resulta?    

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon