CHAPTER 78 The Day After

1.8K 45 12
                                    

CHAPTER   78     The Day After

SAMOTNY

Yawn!   Pag-iinat ko pagkagising.

It's a beautiful morning!  

"Good morning Hun," pagbati ng katabi ko with a sexy bedroom voice.   Nakangiti siyang nakatingin sa akin habang nakahiga pa rin siya sa tabi ko.   

Maganda talaga ang umaga kapag ganitong klaseng nilalang ang bumabati sa akin.   

Ang sarap ng feeling na magkasama kaming muli.   

Nagkatitigan lang kami.   Hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama na naman kaming muli.  

Hinaplos niya ang aking mukha.   

"Did you sleep well my love?" sweet niyang tanong sa akin.

"Obvious ba?!" pabiro kong sagot sa kanya.

"Pinagod mo na naman ako.  Hehe," dagdag ko pa na siya namang ikinatawa niya.   Shux, namiss ko iyang tawa niya ah.

"Do you have to work today?" tanong niya.

"Hmm. Nope," nakangiti kong sagot sa kanya.   "Eh ikaw?"

"Hmmm.   It depends if I want to go to work.  I'm the boss remember?" pilyo niyang sagot.  

"Ah ganun pala.   Hmmmm.    What if huwag ka na lang magwork today?  Ikaw naman ang boss diba?" pabiro ko namang tanong.  Naku, sana pumayag siya.

"Hmm.  If I don't go to work, what's in it for me?" pabiro rin niyang sagot.

"You get to have a date with the most dazzling woman in the city," nakangiti kong sagot.

"Hmmm.  That may be a better option than working.  In that case, it's a date then!" sagot niya na may kasamang kindat.

For some reason kinilig ako.  Na-excite ako sa magiging date namin.   Yipee.

__________________________

Matapos naming mag-brunch ay hinatid na muna niya ako sa aking apartment para makapagready muna ako.   May aasikasuhin daw siya saglit at babalikan na lamang daw niya ako.

Hay.  Ano ba yan?  Para naman kaming magde-date for the first time. Masyado naman akong kinakabahan.

Well, actually, first date nga naman talaga namin ito dito sa America.   Pero grabe talaga ang kaba ko.

_________________

Matapos ang mahabang pag-iisip, napagpasiyahan kong isuot ang aking floral dress na may long sleeves at sinamahan ko ng white sneakers.   Sinuot ko rin ang aking floppy hat na kulay maroon para pang final touch.

Tinignan ko ang sarili sa salamin.   Aba, mukhang inosente at fresh na fresh.   Parang virgin!  

Ang kyut mo talaga,Sam, nakangiti kong papuri sa sarili.

DING DONG!

Ay nandiyan na ang aking prince charming.

Shux, ayan na naman, kinakabahan na naman ako.

Nanlaki naman ang aking mga mata nang buksan ko ang aking pintuan.

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon