CHAPTER 77 THE SACRIFICE

1.8K 52 21
                                    

CHAPTER      77     THE  SACRIFICE

SAMOTNY

Gasp!

What is going on?

Nababalutan ang sahig ng mga rose petals.  May isa ring lamesa na pangdalawahan ang nakapwesto sa may malaking glass window na may magandang view ng mailaw na city.   May kandila sa gitna ng lamesa at pati na rin sa paligid.   Sa gilid naman ng room nakapwesto ang mga musicians na tumutugtog ng violin.

Ngunit ang ikinagulat ko ng husto ay ang taong nakatayo sa aking harapan.    Halos hindi pa rin ako makahinga ng maayos dahil sa aking pagkabigla.

Nakasuot siya ng suit na may dark green checkered jacket.   As usual, makalaglag panty pa rin ang kanyang kagwapuhan.

"Hi Sam," pagbati niya sa akin.

"R..R..Rusty??   Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong sa kanya.

Nasaan nga ba si Matthew?  Hindi ko maintindihan ang mga nangyayayari.  Bakit si Rusty ang kaharap ko ngayon?

Lumapit si Rusty sa akin na siya namang mas lalo pang ikinabilis ng pagkabog ng dibdib ko.   

Napatitig lang siya sa akin ng saglit.   Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko siya ngayon. 

Marahan niyang inilagay ang kanyang kamay sa mukha ko at mahinang pinahid ang gilid ng aking labi.

"Your lipstick's all over your mouth," nakangiti niyang sabi habang pinupunasan pa rin niya nang marahan ang gilid ng aking labi.   Ay, eto na nga ba ang sinasabi ko eh.   Kalat kalat nga talaga siguro ang pagkakamake-up ko dahil sa sasakyan lang ako nagmake-up.

Inabot niya sa akin ang isa pang red rose na may kasama pang maliit na envelope.  Tinignan ko muna siya bago ko binuksan ang envelope.   

Halos mapaluha na naman ako nang mabasa ko ang note.

"I'm really sorry, Hun.

I want to let you know that I still love you.  So much.

Can you forgive me?"


Pagtingin ko sa kanya ay nakaluhod na siya sa aking harapan.    Bakit siya nakaluhod??

"Sam, will you..."   

Ayan na, lalo na akong kinakabahan.   Is he going to propose?!

"Will you....will you still be my girlfriend?"

"Yesssss!!" agad kong sagot sa kaniya.

Hindi man iyon ang ine-expect kong itatanong niya sa akin ay lubos pa rin akong natuwa.  Nag-uumapaw ng kasiyahan ang aking damdamin dahil sa wakas ay ok nang muli ang lahat sa aming dalawa ni Rusty.

Pagkatapos ay bigla naman din akong naiyak dahil sa nag-uumapaw na emosyon.

"Wait.  Why are you crying?  Have I done something wrong again?  Have I said anything wrong?"   alarmang pagtatanong ni Rusty.

"No.  It's not that," pagsagot ko sa kanya in between sobs.   "Naisip ko lang na ang napakaswerte ko talaga kahit na feeling ko hindi ako deserving.   Gusto ko ring mag-sorry sa iyo.   Sorry kung hindi kita pinagkatiwalaan."

Tumayo naman si Rusty at niyakap ako.    

"Oh Sam.   Nobody else deserves my love but you.   I belong to you and you only belong to me.   I'm really sorry if I have caused you so much pain."

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon