CHAPTER 6 Distracted!

4.3K 106 50
                                    

CHAPTER 6     DISTRACTED!!!


"Ten laps everyone!" 

What?! TEN laps agad?! Si coach talaga, torture agad!  

Ok, focus Samotny, focus!  I'm so distracted.  Kasama mo ba naman ang crush mo sa practice.  In this situation, hindi ka pa pwedeng magpa-cute!  Paano ka magiging cute kung pawisan ka?  Ang buhok mo ang gulo gulo pa.  I'm happy that Blue's here, but at the same time di ako maka-concentrate.  Nakaka-conscious!  Feeling ko lang I'm being watched..... feeling ko lang naman.  

I can see him running with ease together with his friends.  They run so effortlessly samantalang ako, hingal na hingal na.  Wala akong practice the whole summer, kaya eto hirap na hirap ako ngayon.   Yokaby and Kiki were running with me in the beginning kaso lang sabi ko sa kanila they can go ahead kasi my pace is very slow.  Anyway, hindi naman talaga ako runner, thrower ako.  Palusot pa e.  

Hmm...Kamusta naman kaya ang iba?  The Dixies seem to be doing well, except for one, si Shaina.   She seems physically-challenged din.   It's nice to know I'm not alone.  *snicker snicker*


"AaAAaaaaaaaAAAAAaHHHhhhhhh!!!!!"

It all happened so fast.  Sa kakatingin ko sa ibang tao, hindi ko na nakita na may maliit na kahoy na palang nakaharang sa steps ko.   Flylaloo ang lola mo!  Yung tipong parang slow motion pa bago ako bumagsak sa floor.   Waaaahhhh!   Sobrang minus pa-cute points 'to!  Ayan kasi, sobrang busy minding everyone's beezwax.  

"Aray!"  Naku, sana hindi nakita ni Blue!

"Sam... are you ok?"   

Huh?!  Patay!

Pagtingin ko nasa harap ko na si Blue with his arms outstretched towards me.  Parang lang namang scene from a movie na may tipong lighting effect pa on his back.  Haaaayyyy, kahit na pawisan siya, ang guwapo pa rin niya!

"Uhm.... Samotny?!"  

Ay oo nga pala, kanina pa naka-stretch yung arms niya in his attempt to help me get up.   Take note ha, both arms! Baka kasi hindi ako kayanin kung isa lang.     Ayeeee!  Kilig!

"Sam!"  Ayan, nagalit na!  Umayos ka kasi Samotny.  Ang dami na rin kasing tao sa paligid, practically the whole team. Finally, I had the nerve to grab his hands.  First hand-lock with Blue!  

"You better watch your steps next time!" pagsasaad niya sabay alis.  Weh?! Galit ba siya?  Sungit naman!  Mukha naman siyang nice kanina, tapos biglang nag-change ang mood.  Hmp!

Tapos ayun, pinagkakantiyawan yata siya ng mga friends niya.


"Tsk Tsk Tsk!  You're horrible Mots!"  Si Kiki pala nasa tabi ko na.  "Kung anu-ano kasi tinitingnan eh!"  Then she started laughing along with Yokaby, Apeng, and Jujo.   

"Sige laughingstock na naman ako.  Ako na nga itong nalaglag."  Sabay tawa pa rin sila.

"Hay Motmot.  Pero in fairness ah, to the rescue agad yang Blue mo!"si Yokaby.

"Weh?  Tutulong nga, ang sungit naman!"

"Eh paano kasi mukha kang ewan kanina na nakatitig lang sa kaniya habang ang tagal tagal nang nakastretch-out nung arms niya!" dagdag pa ni Yokaby.

"And take note, nakanganga pa! Bwahahaha!"si Jujo naman.

Shucks, feeling ko umaapoy na naman ang malaman kong cheeks.  Mukha naman akong ewan.  Bakit palagi na lang akong natutulala kapag kaharap siya? Ahhhhhh!  Nakakahiya ka Samotny! Grrrr!

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon