CHAPTER 14 DAPHNE

3.4K 69 21
                                    

CHAPTER 14     DAPHNE

SAMOTNY'S POV

Goodmorning sunshine!  Ang sarap sarap ng tulog ko kaya maganda rin ang gising ko.  Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makaget-over sa party nung weekend.  Kinikilig pa rin ako ng sobra!    

Mabilis ang mga pangyayari.  How did I end up dancing with him nga pala?  Hmmmm....    Tama, kagagawan nga pala yun ng magagaling kong mga kaibigan!   Ang kukulit nila!  Pilit nilang pinagtulakan si Rusty sa akin.  Buti na lang nakapag-react agad ako ng maayos at nadaan ko na lang sa pabiro-biro para hindi ako mahalata at para hindi naman ako masyadong mahiya.   Effective pala yon?  Buti naman.  Kung hindi ko siguro dinaan sa pabiro-biro,  masyado sigurong awkward.  

_________________


Hanggang pagdating ko ng school, abot hanggang tenga pa rin ang ngiti ko.   

"Pst Mots!  Guess what?"  Tawag sa akin ni Sayyen.  Monday ngayon kaya may flag ceremony.   

"Ano?  Ang aga aga, may chismis ka ng dala?"

"Hay naku, kung ayaw mong makinig huwag na lang," pagtatampo ni Sayyen.

"Sige na nga, ano yun?"

"May nasagip ako kanina sa mga tropa ni Rusty.   Meron daw may crush sa kanya na lower batch.  Third year."  Pabulong na kuwento ni Sayyen.    

"Huh?!  Sino?  Maganda ba?  Teka, alam nilang lahat na crush ng babaeng yon si Blue?"

"Oo, kaya kapag mabagal ka, baka maunahan ka pa!   Maganda pa naman," dagdag ni Sayyen.

"Sino naman ang kaagaw ko?"

"Si Daphne.  Maganda siya Mots at payat pa.  Kasama din natin siya sa High School Glee Club.   Naku, mukhang delikado ang lagay mo nyan kay Blue ah.   Kanina mukhang tinutukso nila Theodore si Blue kay Daphne," dagdag pa ni Sayyen.   Napasilip ako saglit kay Rusty.   Mukhang nagkakatuwaan na naman sila ng mga tropa niya at masyadong busy.

"Hoy!  Sexy naman ako ah!  Kung maka-maganda ka naman sa kanya, wagas!  Parang pinapalabas mo naman na wala na akong pag-asa.  Maganda naman ako diba?"  

"Hmm... Friend kita, pero mas maganda si Daphne.  Haha," sagot ni Sayyen.

"Che!  Grabe ka naman!  Ano ba?   Ang ganda ganda ng umaga ko kanina e. Tsk!   Pero....pero....paano naman ang pinagsamahan namin nung weekend sa party?  May sparks naman kami ah....."

POK!!!!

"Aray naman!"  Sigaw ko kay Sayyen pagkatapos niya akong batukan.

"Hoy,  hindi porket sinayaw ka ni Blue e may gusto na siya sayo noh.  Huwag masyadong assuming. Masakit ang umasa friend."  Sabagay, may point naman si Sayyen.   Paano yan, may karibal na ako at di hamak na mas maganda pa!    

Tinuro naman ni Sayyen kung nasaan si Daphne sa line.   Nasa harap lang ng mga Seniors ang mga Juniors kaya madali lang namin siyang nakita.  Nakita ko na nga siya sa Glee Club.   Hindi nga nagkakamali si Sayyen.....ang ganda niya.   Mukha nga ring panay ang tingin kay Rusty.  Ano naman kaya ang laban ng isang Samotny diyan?   Funny naman daw ako sabi ni Rusty diba?   Pero ano naman ang laban ng funny sa maganda?  Sana piliin ni Rusty ang funny kesa sa maganda.   Naku, asa ka na naman diyan Samotny!

_____________________

Bago matapos ang flag ceremony kanina ay merong announcement.   Magkakaroon daw ng singing contest ang aming foreign language classes at pipili ang iba't ibang classes ng kani-kanilang mga representatives.   

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon