CHAPTER 21 Missing Photos

2.6K 63 7
                                    

CHAPTER     21        MISSING   PHOTOS

"Hoy Mots!   I have good news for you!"    Pagbati ni Joralu sa akin.

"Really?  Ano yon?"

"Hay nako, may utang ka sa akin ah,"   sagot niya.

"Wow, malaki yatang news 'to ah.    Sabihin mo na kasi sa akin.    Hindi na ako makapaghintay."

"Malaki talaga.      Pumayag lang naman si Rusty na maging escort mo."

Well, it took me a while before I realised what he just said.

"What?!!    Seryoso?!    He said yes kaagad??   Weee!"    Kinikilig na naman ako sa tuwa!

"Ayan ah, I did my part,"  dagdag ni Joralu.

"Yay!    Pero teka, ano nga palang sinabi mo?"

"Sinabi ko lang naman na ikagagalak mo kung siya ang magiging escort mo."

"What?!   Baliw ka ba?    Baka isipin nun may gusto ako sa kanya.   Well, totoo naman pero ayokong mabuking."

"Te,  nag-agree naman siya kaya huwag mo nang  i-stress ang sarili mo."     

"Ano nga palang sinabi niya pagkatanong mo sa kanya?"

"Well, nagulat lang siya ng konti sa umpisa.   Tinanong niya kung kailan.   Tinanong din nya kung may iba pang mga magiging escorts para sa ibang mga candidates.   Sinabi ko naman na wala at siya lang  ang magiging escort dahil special request ng aming reigning queen.    Hep....hep...  Huwag ka na namang mag-rereact diyan dahil natawa lang naman siya sa sinabi KO.    Then surprisingly, he said yes!     Tinanong din niya kung anong isusuot.   Sabi ko formal.    Kaya ayun, abangan mo na dahil makikita mo na siyang naka-formal.   Okay?  Happy ka na?!   Tama na ang questions dahil madami pa tayong trabaho."    Pagtatapos ni Joralu.

Okay,  sinabi pala ng walanghiyang Jaralu na ito na ni-request ko lang naman si Rusty na maging escort ko.    Alam na kaya niyang may gusto ako sa kanya?    But still, pumayag pa rin siya at yun ang ikinagagalak ng damdamin ko.    Sige na nga, ok na rin sa akin ito.    

Nagsimula na ang aming mga trabaho para sa nalalapit na Ms. United Nations.    Kasali nga rin pala ang barkada bilang mga candidates.  

Kaka - Ms. Greece

Yokaby - Ms. Libya

Sayyen - Ms. Belgium

Apeng - Ms. Finland

Kiray - Ms. Hawaii  (Teka, hindi naman country ang  Hawaii diba?   Ay, bahala sila.) 

Sila Letchoy, Kikiqs, at Teren naman ayaw sumali kaya na-assign na lang sila sa iba't-ibang departments.

Gustong-gusto namin ng mga ganitong events lalo na't kami kami rin ang mga organizers dahil we get excused from our classes.    Mukha lang naman kaming mga privileged na palakad lakad ng hallways during class hours. 

"Mots, gusto mong makita si Rusty?"   Pagtatanong ni Joralu.

"Oo naman siyempre."

"Halika.   Ikaw ang magbigay netong papel regarding sa Ms. United Nations sa adviser nila,"  dagdag ni Joralu.

"So, ibibigay ko lang ito kay Mrs.  Togade right?  Yun lang."

"Right."     Pagtatapos ni Joralu sabay kindat.   "Goodluck."

Bakit kailangan ng good luck?    Oh well, maybe it's just nothing.

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon