CHAPTER 36 Birthday Surprise.....

2.2K 51 14
                                    

CHAPTER     36          Birthday Surprise.....

"You look...you look lovely tonight."

Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko.     Ang napakasarap pakinggan lalung-lalo na't nanggaling pa sa crush ko.     Naramdaman ko na namang uminit ang mukha ko.   

"Am I too late?"

"Ah...  No!"     Not at all.     Hindi ko nga ine-expect na makakarating ka ngayong gabi kaya kahit na late ka, sapat na sapat na sa akin.      Ito na ang pinakamagandang birthday gift ever!

"Oh here,   I have something for you."    Sabay inabutan niya ako ng isang gift bag.     May regalo siya sa akin????       "Just open it later."     May pagkakahiyang sabi ni Rusty.

"Uhm..  Thank you nga pala.   You don't have to.       But really,   thank you."    Tapos binigyan ko siya ng pinaka-sweet na smile.     Well,   I hope na mukha ngang sweet, baka mamaya pa-sweet lang ang labas.    Yikes, kinilabutan ako sa sarilii ko.

Pinagmasdan ko ang itsura niya ngayong gabi.     Naka polo shirt lang siya na itim na may bulsa sa gilid at hindi loose, medyo hapit na nakakapag-expose ng maganda niyang built at naka gray pants siya.     Mukhang may pinuntahan at naka-porma.    Saan kaya siya galing?    Hindi kaya galing silang nag-date ni Daphne?   Pero bakit hindi niya kasama si Daphne ngayon?      Oh well,   hindi ko na nga pproblemahin iyan.   Ang mahalaga, nandito siya ngayon.      Natutunaw na naman ako sa kanyang kagwapuhan.     Mukha rin siyang fresh na fresh.      

"Ay, Happy Birthday nga pala Samotny."     Hindi ko naman napansin na kasama pala ni Rusty sina Theodore at Yosef.     Naku, siguradong nagtatatalon na ngayon sa tuwa si Letchoy dahil nandito si Yosef.     

"Salamat.    Halika tuloy kayo.    Are you guys hungry?"

"Medyo.   Eto kasing si bossing medyo atat at nagmamadaling pumunta na dito.   Hehe,'   nakangiting sagot ni Theodore.    Pagkatapos non ay tiningnan siya ng masama ni Rusty.    Ano kayang ibig sabihin non?     Nagmadaling pumunta si Rusty dito?

"Ah don't mind him, Sam."    Pagsabi ni Rusty na medyo may pagka hindi komportable.    Nginitian ko na lang siya.

I lead them to the food table.      Nagpanic akong bigla.     Halos ubos na pala ang mga pagkain.     

"Uhm, sandali lang ah.   Pupunta muna ako sa kusina,"  pagpapaalam ko sa kanila.      Naku.    Paano kung wala ng pagkain??     Nakakahiya naman.

Pumasok ako sa kusina at hinabap ang nanay ko.

"Ma, may mga bago akong dating na bisita.    May mga natira pa bang pagkain?"

"Op kors!   Ready ako diyan kaya huwag ka ng mag-alala.    Sino ba yun?   Yun ba yung kras mo?"   pag-uusisi ng nanay ko.

"Mama naman.     Ano ka ba?"

"Ok.   Yun nga ang kras mo.    Alam ko na ang mga ganyan.  Hehe,"  natutuwang sabi ng nanay ko.    Awkward naman.     "Oh sige na, tawagin mo na sila, papuntahin mo na lang sila dito sa kusina."

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon