CHAPTER 11 Our Pretty Little Secret

3.5K 82 28
                                    

** I'd like to dedicate this chapter to @StephanieSalarda. Maraming maraming salamat sa pagtangkilik. I'm glad na nagustuhan mo. Thank you ulit. **




CHAPTER   11       Our Pretty Little Secret

SAMOTNY

DING DONG!

Kakarating lang namin sa bahay nila Teren.   Sino-sino na kaya ang nandito?  Nandito na kaya si Rusty?   Excited!


"Hi!  Good afternoon po tita!" Bati namin ni Kiki pag bukas ng pinto ng mommy ni Teren.

"Halika tuloy kayo."  

Mabait ang mommy ni Teren pati na rin ang daddy niya,  kaya di namin maisip kung saan nagmana ang kaibigan naming ito.  

Malaki ang bahay nila, very cozy.  Marami ring mga mga babasagin na mga antique jars.  Collection daw ng mommy niya.   Her dad actually designed their place, engineer kasi daddy nila.


Nandito na pala most of the Buloys.  Aba, on time!  I'm sure happy rin most of my friends dahil nandito mga crush nila! 

"Ay Samotny, di na raw pala makakarating si Rusty!" sigaw sa akin ni Joralu.

Huh?!  Isigaw ba naman sa buong mundo?  Napatingin tuloy ang mga Buloys.  Tsk!  Binubuking naman ako ni Joralu e.  Kainis.

Teka, hindi raw makakarating si Rusty?

Nalungkot naman akong bigla.  Akala ko pupunta siya.   Kakakausap lang namin kahapon ah.    Relax ka lang Samotny.  Bakit, kailangan ba niyang magreport sa iyo?  

I guess not.   Sino ba naman ako para sa kanya?    

Hay, makapag-focus na nga muna dito para makapasa sa mga exams. 

Nag-start na rin ang study session namin.   Wow, ganun lang pala i-solve yung Physics problem.  I have to give Joralu some credit.  Magaling pala siyang magturo.  


DING DONG! 

Nag-ring yung door bell.   Baka sila Janyu lang yan at ang iba pang mga Buloys.


"HI!   Sorry I'm late!"  

Pagtingin ko,...........si Rusty?!    Obvious naman 'tong si Yokaby because she elbowed me.

"Uhm...  Kasama ko nga pala si Yosef," pagsasaad ni Rusty.

Si Letchoy naman ang naka-smile dahil nandiyan si Yosef.

Pagkatapos ay nagkatinginan kami ni Rusty....and he smiled at me.  I just smiled back.  But I could feel my face burning.  Naturally, my friends gave me a look like I owe them some explanation.   Hindi ko na kasi naikwento sa kanila na Rusty and I ended up talking yesterday.  Some other time.   Besides, they might not believe me anyway.  Isipin pa nilang naghahallucinate lang ako.

_____________________

Break time na muna kami.  Nag-prepare din ang mommy ni Teren ng merienda.   

"Mots, paki-distribute nga etong mga pagkain dun," utos ni Teren.  She was also pointing at Rusty's direction, then she gave me a wink.  Nako, talaga 'tong babaeng ito.  Pero sige na nga, it'll give me a chance to talk to him.  

"Hi Rusty!  Care to have some of these?  May turon tsaka cheese sticks."  Ok Samotny, stay calm.

"Oh hi!  I'll have both.  Thank you."   

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon