CHAPTER 2 THE MUCH ANTICIPATED REUNION

9.5K 186 105
                                    

CHAPTER 2 The Much Anticipated Reunion 

Hair piece....check. Contact lens... check. Accessories....check. Make-up.... check. I'm staring at the woman in the mirror.   Ganda mo talaga, sabi niya sa akin.  

In fairness, I like how I look.   Pwede na siguro ito. Vintage-inspired ang peg.     Black and beige with floral design ang dress na may ivory lace na overlay. Flare ang skirt na above the knee. Then I added my red belt na may ribbon sa harap. Red pumps. With matching red lipstick na rin..... smack! 

"Samotny! Bilisan mo na! Kanina pa naghihintay ang driver naten!" may pagka-inip na sabi ni Joralu.

And our driver?  Si Jujo lang naman ang tinutukoy niya.  Sira-ulo talaga itong si Joralu.  Si Jujo na nga itong nagmagandang-loob na sunduin kami at ihatid sa aming grand High School batch reunion.   Ang venue lang naman ay walang iba kundi sa auditorium ng aming beloved alma mater. 

"Manong driver, sa Beckingham Academy po ang destination,"  pagsisimula na naman ni Joralu.

"Ah, Joralu.  Ibababa kita diyan sa kanto, pwede rin," sagot naman ni Jujo.  Good job Jujo!  

____________

Mga ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na rin kami sa venue.

Wow, punong puno ng mga kotse ang parking lot.  Mukhang ang daming umattend.  Yipee!

Meeting place namin ng aking mga fab friends sa "under the mango tree". Meron kaming favorite hang out spot noon, sa ilalim ng nag-iisang mango tree sa school namin. I guess it's everyone's favorite hangout spot. But of course, parang may mas authority ang mga Seniors.  Kaya nung mga panahong kami ang Seniors, kami naman ang mga hari at reyna ng natatanging mango tree.

Thank goodness our favorite tree is still around! And sure enough, kami na lang pala ang hinihintay ng grupo.   

"Samotny, di ka pa rin nagbabago, late ka pa rin," sabi ni Kiray.

"Pero parang may mas late pa rin sa akin noh!" defensive kong sagot.

"Hi guys! I'm here!"   Speaking of...   Buti na lang mas late pa rin si Sayyen sa akin.    I guess some things never change.

"Ang gaganda niyo namang lahat," pagbabati ko sa kanila.   Naka-dress din silang lahat  at heels.  Very sophisticated ang mga lola mo.

"Of course! This is our first ever batch reunion. We want to look our best," sabi ni Teren then whispers, "I wonder how the others look like now......"    Parang may gusto pa siyang idagdag pero mukhang pinigilan lang niya.     Kilala ko yang si Teren, may pagkadakilang manlalait kung minsan.     Actually di lang naman talaga si Teren, we all have our moments. hehe.

"Hoy! Hindi mo ba ako papansinin??"  

"Oh my goodness, Yokaby! Hindi kita napansin!"

Si Yokaby nga pala yung isa pa naming friend. Galing naman siyang Australia at kakarating lang niya today.

"Sorry naman Yokaby.  Sige na nga, let me give you a hug. It's so nice to see you.  Actually,  I cannot believe that we are all here together.  It's been a long while my dear friends."

"I heard super excited ka daw, aber?"  Pangloloko ni Yokaby.

"Hello?! Ako lang ba excited?  Kayo, hindi ba?  Of course excited akong makita kayong lahat!"

"Weh? Yung mukha mo e, parang pininipigilan mong ngumiti na parang pinipigilang di mautot! haha! Alam naming lahat na excited kang makita siya ulit!"   Teka, bakit ba palagi na lang ako ang target?!

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon