CHAPTER 56 SURPRISE

1.5K 43 7
                                    

CHAPTER    56           SURPRISE

"Ano po kamo????!!!"  gulat kong tanong sa nanay ko.

"Pupunta na tayo ng Amerika," sagot niya.  

"Bakasyon?" excited kong tanong.   Hindi ko naman kasi inaakalang makakarating kami ng Amerika.  Kuripot ang parents ko kaya akala ko naman wala kaming pera.

"Hindi lang bakasyon, duon na tayo titira!   Surprise!" nakangiting sagot niya.

"Ano??????!!!!!!" gulat ko na namang tanong.  Hindi ko ngayon malaman kung matutuwa pa rin ba ako.  "Kelan naman ang alis natin?"

"Pagbalik natin ng Manila ay mag-iimpake na tayo.   Aalis na tayong tatlo ng bunso mong kapatid after a few days.   Samantalang ang Papa mo naman ay maiiwan muna para asikasuhin ang lahat ng maiiwan kasama na ang tindahan natin.   Kasama naman niya ang mga kapatid mong lalaki.   Ano, nagustuhan niyo ba ang surprise namin???   Yiheee!    Hindi din namin inaakalang ma-aapprove ang Visa natin.    Kaya rin tayo nandito ngayon sa Davao para makapagpaalam sa mga kamag-anak natin dito," pagsasaad niya ng may labis na excitement sa kanyang boses.

_____________

Naalala kong muli ang rebelasyon ng mga magulang ko sa amin.     Hindi pa rin ako makapaniwala.   Napakabilis ng mga pangyayari.     Parang hindi pa ako handa.     Hindi pa ako handang mapalayo sa mga kaibigan ko.    Paano na rin si Rusty??    Parang hindi ko pa rin kayang hindi makita ang prince charming ko.     Anong gagawin ko?     Hello Samotny, hindi naman totoong kayo noh?  Ipagpapalit mo ba ang makarating ng Amerika sa lalaking hindi mo naman boyfriend?

 Sigh.   Oo nga naman.   Baka ako lang naman pala ang nagdadrama dito at wala naman palang pakialam si Rusty kung umalis man ako o hindi.    Sigh.

Nakauwi na nga pala kami ng Manila.    Tinawagan ko rin agad ang mga kaibigan ko para sabihin sa kanila ang pag-alis namin.  Lahat sila ay nagulat rin at hindi makapaniwala.   Bakit daw ang napakabilis ng pag-alis namin.   Naramdaman ko rin ang lungkot sa kanilang mga boses.

"Kailangan natin ng isang malaking get-together bago ka umalis," pagsasaad ni Sayyen.

"Dapat lang!   Naku, hindi ko alam kung kailan pa tayo ulit magkikitang muli," malungkot kong sagot.

"Sige, we'll let you know," sagot niya.

Pagkatapos non ay binaba na namin ang telepono.

________________

Kinabukasan ay nagsimula na rin kaming mag-impake ng mga gamit.     Natanaw ko ang aking photo album.   Laman nito ang mga litratong nakuha ko sa school tuwing may mga events.   Naruon ang mga pictures ko na kumakanta.   Meron din namang uma-acting sa stage at iba't-iba pa.   Ang saya saya pala talaga ng school year na ito.   Napakaraming magagandang memories.  Nakita ko rin ang group pictures naming mga magkakaibigan.  Nakakalungkot lang isipin na hindi ko na pala sila makakasama sa  college.

Lalo namang bumigat ang damdamin ko nang makita ko ang larawan ni Rusty.   Yun yung picture naming dalawa nung Ms. United Nations.   Pareho kaming nakangiti.   Nakasabit ang kamay ko sa braso niya pero ang layo namin sa isa't-isa.   Mukha lang naman kaming nandidiri sa isa't-isa.   Naalala ko kung gaano ako naging masaya nang makita ko siyang dumating ng gabing iyon.    Naisip ko na hindi pa rin kami gaanong ka-close ng mga panahong iyon.   Parang  kailan lang.   

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon