CHAPTER 35 Birthday Party

2.4K 47 9
                                    

CHAPTER                  35          Birthday    Party

* I dedicate this chapter  to my number one fan,  Armie.   =)      Salamat sa walang humpay na pagsuporta at pagtangkilik ng BCPRK.        Belated Happy Birthday!   This one's for you! *

"HAPPY BIRTHDAY ACHIE!!!!!"

Sinalubong ako ng ng mga mukha ng pamilya ko.     Nasa harapan ko lang naman sila habang nakahiga pa rin ako sa kama.     Bagong gising lang kaya ako.     Yawn...

"Good Morning.   Rise and Shine!    Gising na para maaga ka ring magigising for the whole year!    Dapat maging masigla ka ngayong kaarawan mo para maging masigla ka rin for the whole year,"  pagsasaad ng nanay ko.     May paniniwala ang mga magulang ko na kung ano ang attitude mo sa birthday mo, yun din ang magiging attitude mo for the rest of your birth year.     Kailangan kong maging maganda ngayong araw na ito o kahit man lang mag-feeling maganda para maging feeling   maganda rin ako the whole year.   

Yep.  It's my birthday today.    I can't believe na birthday ko na pala ngayon.     Achie nga pala ang tawag nila sa akin.     "Achie"  is "Ate" in Chinese.      Nasanay na pati ang mga magulang ko na tawagin akong Achie  dahil nung mga maliliit pa lang kami, Achie na ang tawag nila sa akin para masanay din ang mga nakakabata kong mga kapatid.

Nakakatuwa din naman ang pamilya ko kahit papano.    Talagang sabay sabay pa sila sa pagbati sa akin.

"Bangon na.    May niluto akong miswa,"  pagyayaya ng nanay ko.    Pampahaba daw ng buhay.      Natakam din naman ako kaya bumangon na rin ako.     Ok fine.    You can say na pagkain na naman ang katapat ko.     Isa sa mga paborito ko ang miswa lalo na't kapag may kasamang boiled egg.    Yum.

Takam na takam pa rin ako sa kinakain kong miswa nang ipaalala ng nanay ko ang mga dapat gawin ngayong araw na ito.      

"Motny, pagkatapos mong kumain maligo ka na at magbihis.    Pupunta na tayo agad ng simbahan.     Pagkatapos ay deretso na tayo sa palengke.    Daan na rin tayo ng Cash and Carry para bumili pa ng iba pang mga ingredients ng mga lulutuin ko.      Pag-uwi natin ng bahay,  maglinis ka na ng tindahan natin dahil doon gaganapin ang party mo diba?     May nahiram nga rin pala kaming disco lights at disco ball sa  Tita Marilyn mo.      Ay, magrerenta pa nga pala tayo ng mga extra chairs......"   

Ay naku, ang dami dami pa pala naming gagawin.    Nakaka-stress tuloy pero siyempre bawal ma-stress kaya carry na lang.

This is going to be a looooonnng  day pero excited na ako sa party ko mamaya.      May problema nga lang.      Hindi ko naman na-invite si Rusty.    

_____________

Nagmamadali na akong maligo para makapag-ready na rin ako.     Maya't maya na lang ay darating na ang mga bisita.       Napagod din ako sa paglinis at pagtulong sa nanay ko sa kanyang mga niluto. Buti na lang at natapos na rin.         

Humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko.     Nakasuot ako ng isang fit na blouse na naka-tuck-in sa isang white skirt na may floral design.    May ruffles naman ang neckline ng blouse,   kulay itim.      In fairness, nagagandahan ako sa outfit ko ngayon.      Sinuot ko rin naman ang bago kong white na sandals na may makapal na heels.     Perfect.   Bagay.     Sayang, hindi naman makikita ni Rusty ang itsura ko ngayon.     Bakit naman kasi nakalimutan ko siyang i-invite.     Tsk.

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon