CHAPTER 68 DATE(Special Chapter)

3.7K 52 36
                                    

** I dedicate this chapter sa lahat ng mga readers ng BCPRK.    Salamat sa pagtangkilik at sana ma-enjoy ninyo ang chapter na ito.    Wink wink.  **


CHAPTER     68           DATE(Special Chapter)


Magkasama kami ni Rusty ngayon. Naglalakad kami sa isang napakagandang garden habang magkahawak kamay.   

"Ang ganda ganda naman dito."

"Not as beautiful as you are." 

Napalingon naman ako agad kay Rusty.    Nakakaloka naman yung mga ganyang birit.    Si Rusty nga ba talaga ang taong ito?    Samahan mo pa ng mga nakakatunaw niyang titig.   

Para akong nasa paradise.     Ang ganda ganda ng paligid at ang gwapo gwapo naman  ng kaharap ko.   Saan ka pa?

Hinawakan niya ang mukha ko habang papalapit naman ang mukha niya sa akin.    Hahalikan na naman ba ako ng aking prince charming?   Ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang hinihintay ang kanyang kissable lips sa labi ko.    


"Good morning sunshine."  

Teka boses ni Rusty iyon ah.   Atsaka bakit hindi pa rin niya ako hinahalikan?

Unti unti kong binuksan ang aking mga mata.   Nagulat ako nang makita kong nakangiti si Rusty sa harap ko.   Halos magkalapit din ang mga mukha namin.    Pero teka, bakit biglang nagbago ang paligid?   Wala na yung garden at nakapalibot lang ang puting walls at puting kisame.   

Atsaka bakit ako nakahiga?   Ang lambot lambot pa ng higaan ko.   

Gasp!   Higaan?!  Agad akong napabangon at napaupo sa kama.    Kama?!   Pero kaninong kama ito?   Hindi naman ganito ang itsura ng kama namin sa VIP room.    

Agad ulit akong napatingin kay Rusty na hanggang ngayon ay abot pa rin hanggang langit ang ngiti.   Mukha na naman siyang naaaliw.

"Did you sleep well?" pagtatanong niya.

Sleep?    Nakatulog nga ba ako dito?   Saan naman kaya ito?

"If you're wondering where you are, you're in my room."

What?!   Anong ginagawa ko sa kwarto niya?    May....may nangyari ba sa aming dalawa?

"Haha.   Just by looking at your face, I could already tell what you're thinking," dagdag naman niya na ikinapamula na naman ng mukha ko.

"Don't worry.   Nothing happened.   I wouldn't do it to you especially when you're snoozing," pagkatapos ay lumapit siya sa akin na siyang ikinagulat ko.  "And besides, it's more enjoyable if we're both awake."   

Then he winked at me na may halong nakakalokang ngiti.    Lalong nangamatis ang pagmumukha ko na mas lalo namang ikina-enjoy ng...ng...ng napakagwapong nilalang na ito.    

Ngayon ko lang napansin na naka topless pala siya at naka-shorts lang.    Gulp.   Breakfast na ba ito?   Naku Mots ah, baka tumulo laway mo.

As usual, nandiyan pa rin ang abs niya samahan mo pa ng ma-muscle niyang mga braso at balingkinitang shoulder.    

"I think I'd better put a shirt on before I start melting," pagsasaad niya with an evil grin.   

Kaloka lang talaga siya ah!   Bwiset.

"So, were you dreaming about me?" tanong niya.

"Ha?.....   Ano kamo?   Paano mo naman nasabi iyan aber?"    Naku lang, sana hindi ako mabuking.   Sobra sobra na ang kahihiyang ito.

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon