CHAPTER 43 Monday Treat

2.1K 49 8
                                    

* Hi @TracyNavarro !    This chapter's for you!     Thank you again for reading the story and for promoting it on FB.    =)      I'm glad you enjoyed the story.    I hope that you'll continue to read it til the end.     Sana hindi ka mapagod sa kakahintay ng panibagong mga chapters.    =)  *

CHAPTER               43                   Monday Treat

Nagsimula na kaming maglakad ni Rusty, hand in hand pa rin.      Mukhang pinapawisan na siguro ang kamay ko sa kaba.     Wet hand, yak!        Patingin tingin sa akin si Rusty every once in a while with matching ngiti pa.    Hay, nakaka-conscious tuloy.      

Nang palabas na kami ng gate ng school,  hindi ko maiwasang mapansin ang mga tingin ng mga tao sa amin.     Ang iba ay mistulang nang-uusyoso lang.     Ang iba naman ay matalim ang paningin,  nanlilisik ang mga mata.      Yikes.     Kaloka naman ang mga babaitang iyon.      Mukhang tutuklawin na nila ako any moment.    Haha.    

"Gosh.     Girls, nakikita niyo ba ang nakikita ko??"

"Bakit siya kasama ni Rusty??"

"At bakit magka holding hands sila???!!!"

"Sila na ba??"

"Imposible!!!     Hindi maaari!   Ako dapat ang kasama niya.    Ako lang ang maaaring maging girlfriend niya!!"

"Girl, ok ka lang?      Ako dapat ang maging girlfriend niya!"

"No way!    Ako.   Ako.  Ako  lang ang mas karapat dapat na maging girlfriend niya!!"

Ayan, nag-away na sila.    Oh well, anong magagawa ko?    Ako ang kasama ni Rusty.   Hehe.       Pero ano nga ba talaga ang balak netong lalaking ito?         Saan ba kami pupunta?      Date nga ba namin ito???

Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si Rusty.

"So, what kind of dessert do you feel like having Sam?"

"Hmmmmm.....    cake?   Ikaw?"

"Funny,  I kinda want some cake too.      Tara,  I know a good place,"   Rusty said after giving me another smile.

Patuloy pa rin kami sa paglalakad habang nakahawak pa rin siya sa kamay ko.    Hindi pa ba niya pakakawalan ang  kamay ko?   Ever?   Ok lang din sa akin kaya lang nafi-feel ko nang namamawis ang kamay ko.     Hay, ano ba yan?

Pagkatapos naming maglakad ng 15-20 minutes ay nakarating na rin kami sa isang cake shoppe.      

"Here it is!" excited na pag-announce ni Rusty.

Colletti's ang pangalan ng cake shoppe.     Maliit lang pero cute ang place.      Kulay pink ang walls  na may mga paintings ng mga cakes, cupcakes at kung anu-ano pang mga pastries.     Nababalutan ang paligid ng mabagong amoy ng mga baked pastries.     Mmmmm.    Amoy pa lang, masarap na.     Napapikit na lang ako habang nilalanghap ang amoy.        Pagbukas ko ng mata, hindi ko na naman akalaing nakatingin pala sa akin si Rusty.     Agad namang uminit ang mukha ko habang si Rusty ay nakangiti lang na nakakaloko.     Mukha na naman siyang naaaliw.     Hay nako,  pinagtatawanan na naman niya siguro ako sa isip niya.

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon