CHAPTER 52 After-party

2K 50 23
                                    

CHAPTER          52                   After-party

"Actually there's something that I've been meaning to tell you....."

"Sam.....I......I......."

"MOTNY!!!!!!"

Ay ano ba iyan?!    Nabulantang naman kaming bigla ni Rusty.     

Ang dakila kong ina, wrong timing talaga!

"Montny, papicture kayong dalawa para may remembrance" pagsasaad niya ng may excitement.

Naku naman, nahihiya na tuloy ako kay Rusty.    Napakamot na lang siya sa ulo at tumabi naman sa akin para magpapicture.      

"Ayan.     Ang pogi pogi mo talagang bata ka.     Bagay kayo ng anak ko.    Opposites attract.   Haha.    Joke lang,"  pagpapatuloy pa ng nanay ko na lalo kong ikinahiya.     

Ang nanay ko talaga, kung anu-ano pang mga pinagsasasabi.

"Ayan.    Kunan ko na kayo ng picture.   Aba e, lumapit ka pa sa kanya iho.    Hindi ka naman kakainin niyan kahit na matakaw iyan.    Hahahaha!"    

"MA!!!!!....."   Aba, masyado yatang nag-eenjoy itong nanay ko sa pagpapahiya sa akin.    Ayaw pang tumigil.   Tsk.

Sinilip ko naman saglit si Rusty para malaman ko kung anong reaksyon niya.    Mukha naman siyang natatawa.    Sipain ko ito e.

"Sige na, tingin dito Mots, huwag sa kanya,"  dagdag na naman ni Mama.

What?!!!    Waaaaahhhhhhhh!     Hiyang hiya na talaga ako!

"Ok, sige.    1.....2......3.......        SMILE!!!!"

Matapos ng isang shot ay kumuha na naman ang nanay ko ng isa pa.....pagkatapos ay isa pa......at isa pa.....

"Ma, tama na.   Ang dami naman!"  pang-aawat ko sa kanya.    Masyado na talaga akong pinapahalata. 

"Ayaw mo nun?    Mabuti nang maraming extra para sigurado.    Hehe.    Salamat iho ah,"  pagsasaad ulit niya.

"Oy, Samotny.    Halika na nga pala.    Kakain na tayo, gutom na kaming lahat.     Ano iho, gusto mo bang sumama sa amin?"  pag-aaya naman ng nanay ko.

"Ah, thank you po.    But I'm having dinner with my family too,"  sagot naman ni Rusty na mukha ring nahihiya.

"Ah ok.    Sige, alis na kami.    Congratulations din.    Tara na Motny!" pamamaalam ni Mama.

"Sige Rusty, alis na kami," pagpapaalam ko sa kanya.   Ayoko pa sanang umalis dahil gusto ko pa siyang makasama.   Siyempre last day na namin ito.    

Paalis na sana ako nang hilahin naman ni Rusty ang kamay ko.    

"Wait," sabi niya.    "Uhm,  the boys and I are going out tonight.    We're going to Hard Rock.      Uhm.....uhm.... I was wondering if you and your girls are interested.    It'll be nice."

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon