CHAPTER 15 ROLF

2.8K 77 18
                                    

*I finally had time to update!   =)   I hope you all enjoy this chapter!*

CHAPTER   15       ROLF

ROLF'S POV

Chinese class na naman, makakatabi ko na naman si Samotny.   May maaasar na naman ako.  Haha.   Since first year, naging masaya ang classes ko.  Thanks to Samotny.  

First time kong masali sa first section nung first year.   Wala akong kakilala noon samantalang halos lahat sila ay magkakakilala na since grade school pa lang.  Then I met Samotny.   Katabi ko siya noon.   Nung una, mukha siyang masungit.   Hindi kami nag-uusap dahil siyempre hindi naman kami magkakilala noon.  Until one day, may napansin ako sa bag niya na bahagyang nakalabas.   Hindi ko napigilan ang sarili ko,  I picked it up.

"Ano ito?! Haha!"  Tanong ko sabay tawa.   Agad ko namang nakuha ang attention ni Samotny.   

"Hoy monay ko yan!  Akin na nga yan!"   Sagot naman ni Samotny.

"Ano?!    Monay?!  Hahahaha!  Matikman nga ang monay mo!"   Binuksan ko yung plastic at kumurot ako ng piraso ng monay ni Samotny at kinain.   Mmmmmm...  masarap pala ang monay ni Samotny.   

"Mmmmm...  masarap pala ang monay mo ah!  Hahaha!  Anong palaman nito?"   Panunukso ko pa sa kanya.

"Cheezwiz ang palaman niyan.   Akin na nga yang monay ko sabi eh!   Baon ko yan!  Tsk!"  Then she attempted to grab her monay from me.

"Akin na lang ito, masarap eh!   Atsaka hindi mo na kailangang kumain, mataba ka na! Haha!"  Sagot ko sa kanya na mas lalo naman niyang ikinainis.   

Since then, I never stopped teasing her at naging masaya at makulay ang aking High School.    At mula noon hanggang ngayon,  I was able to maintain my grades and stay in first section.  

But there's something different about her this year.   Pumayat na siya since last year.    Nagpagupit din siya na bumagay naman sa mukha niya.   Ewan ko kung ano pang meron pero parang blooming siya ngayon.   And of course my fascination for teasing her is still there pero minsan naghe-hesitate na ako at gusto ko rin namang maging serious.

Pinagkakaguluhan ngayon ng mga kaklase ko kung sino ang magiging representative namin para sa singing contest.  

"Si Samotny na lang!"  Suggestion ko sa kanilang lahat with a grin on my face.   Majority of my classmates agreed.   Humanda ka Samotny. Hehehehe.    I can't wait to see her reaction! 

_____________

As expected, gulat si Samotny sa naging decision ng class.   Epic talaga itong babaeng ito kung makapag-react.  Oh boy,  naaliw na naman ako.   Hay naku,  what would I do kung wala ka Samotny?   Napakaboring siguro ng high school life ko.

______________

RIIIIINNNNGGGG!!!!

Buti na lang recess na.   Kanina pa ako inaantok sa class na ito.  Magna-nap na sana ako nang bigla naman akong bulabugin ni Samotny.   Samahan ko daw siya sa second floor.   Sabi ko ayoko, pero mapilit talaga siya at hinila pa ako.   Ang lakas ng pagkahila ni Samotny sa akin.   Babae kaya talaga 'to?  Haha!   I just kept it to myself dahil I'm sure papaluin ako niyan pag sinabi ko pa.   Baka mabugbog pa ako.

Ano na naman kaya itong pakulo netong babaeng ito?   Nasa second floor na kami at parang may hinahanap siya.   Pagkatapos ay tumigil siya.   Tiningnan ko kung saan siya nakatingin.    Parang nakatingin siya dun sa direksyon ni Rusty.  Teka, hindi kaya.....hindi kaya talagang may gusto siya kay Rusty?    Alam kong napagka-isahan si Samotny nung one time na nabigyan siya ng parusa para sa energizer namin.   Naalala ko na she ended up holding Rusty's hands.   Pero hindi ko naman inakala na talagang may gusto siya kay Rusty.   Bakit parang bumigat ang damdamin ko?   Ano itong nararamdaman ko?

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon