CHAPTER 64 Mystery Solved

1.8K 49 18
                                    

* Dahil sa pag-support mo at sa pagbasa mo ng story, I dedicate this chapter to you. =) @Grand_White_Witch *

CHAPTER 64 Mystery Solved

SAMOTNY

Gasp!

Para akong nananaginip ngayon.

"Rusty?....."

"Sam...." pagbati niya sa akin. Boses pa lang niya, nakakatunaw na ng puso.

Nagkatitigan lang kaming dalawa ng matagal. Bakas pa rin sa mukha ko ang pagkagulat.

Inabutan niya ako ng isang napakalaking bouquet of red roses na nakahugis-puso at napapaligiran ng white roses(check image). Ang ganda! Para ba talaga sa akin iyan?

"Yes, it's for you," sagot niya. Nabasa na naman niya ang iniisip ko. Pero hindi naman ako nagpakipot pa at tinanggap ko naman ang bouquet.

"Thank you ah. Ang ganda ganda. Bonggang bongga!" pagpapasalamat ko. "Pero bakit?"

"Uhm, it's my welcome gift for you," pagsasaad niya nang nakangiti.

Oh. Welcome gift lang pala. Ang bongga naman ng pag-welcome niya.

"Bakit ka nga pala nandito?" At may pa-surprise surprise effect ka pa.

"Uhm, I have meetings to attend here for a few days so I decided to surprise you too," sagot niya.

Meetings nga ba talaga? Feeling mo ikaw ang dahilan kung bakit siya nandito? Assumerang frog ka talaga Samotny!

Hay, ayan na naman. Kinakausap ko na naman ang sarili ko.

"Do you want to walk around by the beach?" pag-aaya niya sa akin.

"Uhm, ok sana kaya lang baka nag-aantay sa akin ang mga kaibigan ko."

"Oh, don't worry about them. Ako na ang bahala sa mga friends mo pati na rin sa flowers mo," nakangiti niyang sabi sa akin. Bakit ba kasi panay ang ngiti niya? Hindi tuloy ako makapag-focus ng maayos.

"Uhm, Manong Astor," tawag niya sa isang server. Kilala niya ang mga servers?

"Ano po yun boss?" pagtatanong ni Manong Astor sa kanya.

"Pakibigay na lang itong message sa mga kaibigan niya dun sa VIP table. Atsaka pakidala na lang din ng mga bulaklak na ito sa kwarto niya."

"Yes boss! Ako na pong bahala sa kanila at sa mga bulakl." Pagkatapos ay umalis na rin si Manong Astor.

Teka. Anong tawag niya kay Rusty? Boss?

"Uhm, yes. I own this resort," nahihiyang sagot ni Rusty sa akin. Tsk. Nabasa na naman niya ang iniisip ko. Ang galing naman niyang mind reader.

"I'm sorry I didn't tell you. Not a lot of people know that I own this place and I would like to keep it that way," pag-explain niya. Mukha namang totoo ang sinabi niya.

So, wait. Kung siya nga ang may-ari ng lugar na ito, edi siya rin ang may kapakanan kung bakit VIP kami?

"Uhm, Rusty. Mukha naman yatang sobra sobra ang mga prinovide mo sa amin. Di na rin naman kailangan na nasa VIP room kami. Ang mahal mahal kaya niyan!"

"Don't worry about that. I wanted to put you guys on VIP status here. It's my treat."

"Ha? Ang mahal naman ng libre mo! Paano ko naman masusuklian ang iyong kabutihan? Bakit mo naman ginawa iyon? Hindi naman kailangan."

"Because....because..... because you're special to me and I only want to give you the best."

Napatulala ako sa sinabi niya. Special ako para sa kanya?

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon