CHAPTER 23 Ice Cream

2.6K 70 25
                                    

CHAPTER     23        Ice    Cream

Rolf

Mukhang enjoy na enjoy si Motmot sa kinakain niya.    Ang daming inorder, ang takaw!   Talagang sinulit ang panglilibre ko sa kanya.      Kahit na wala siyang ka-poise poise,  ang cute cute pa rin niyang tingnan.   Ok, tama na Rolf.     Makapag-focus na nga lang sa kinakain ko.

I decided to take her to the mall para light lang ang atmosphere.    Casual lang.   Atsaka para maraming restaurant choices.    Napili naman ni Mots na kumain sa Sbarro.    Gusto daw niya ng pizza at pasta.   Nagulat na lang ako pag-order niya dahil halos lahat yata gustong matikman.     Dibale,   si Samotny naman iyan, kaya ok lang.   

Sobrang nakakatuwa talaga itong si Samotny, sarap kasama.     Kahit na hindi siya nagpapatawa, natural lang talaga siyang nakakatawa.    

"Pst Rolf.   I think that girl to your right is checking you out.   Ayee!"    Pabulong na sabi ni Samotny.

Well, the girl is cute.    She smiled at me when I looked her.    She seemed very pleased.     Pero hindi ako interesado.

"Huy, suplado mo naman!   Ngumiti siya sa iyo tapos hindi mo naman pinansin," pagsisita ni Madam Samotny.

"I'm not the type of guy na papatol na lang sa kung sino sino mang may gusto sa akin noh."

"Taray mo naman.   Feeling mo naman ang napakarami mong admirers.  Haha."  Pagbibiro ni Mots.

"Marami naman talaga no?   Hindi mo lang napapansin."

"Eh paano ka naman magkaka-girlfriend niyan?    Napaka-suplado mo.    But kidding aside,  ano ba talaga type mo?"  Pag-uusisa ni Mots.

"Bakit ka interesado?"

"Hindi ah!   Hello?!   Nagtatanong lang.   Ang feeling mo talaga!" -  Samotny

"Eh wala naman talaga akong eksaktong type.    Pero hindi naman ako mahilig ng mga masyadong magaganda.   Nakakasawa rin.    Kahit na hindi gaanong kagandahan, basta maganda ugali at personality, ok na sa akin yun.   Ang mahalaga, hindi ako mababato kapag kasama ko sia.   Pero siyempre, kailangan presentable."

"Wow,   napakasimple lang pala ng hinahanap mo.     Eh, may nahanap ka na ba?"

"OO, meron.......Kaharap ko ngayon."

Anong sinabi ko?     Hindi na naman ako nag-iisip.    Nagulat tuloy si Samotny at napatigil sa pagkain. Muntik na nga ring mabilaukan.     Bigla na rin naman siyang nag-blush.    Kung tutuusin natatawa ako sa itsura niya ngayon.  I caught her off-guard.    Haha.      

"Hoy, anong sinabi mo?    Ikaw talaga, palagi mo na lang binibiro.    Hay naku, kailangan mo na talagang magka-girlfriend at nang hindi na lang ako palagi ang pinaglalaruan mo."   Galit na sabi ni Mots sabay malakas na hampas sa akin.

"Aray!   Ang lakas mo namang mamalo!"

"You deserve that.    Hmp!" - Samotny

Palagi na lang ba niyang iisipin na palagi lang akong nagbibiro?    Sigh.    I guess,  it's better that way para hindi siya ma-awkward sa akin.

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon