CHAPTER 58 Goodbye

1.6K 52 25
                                    

CHAPTER              58        Goodbye

SAMOTNY

"Motny, gising na!   Kailangan mo ng mag-ready dahil hindi tayo pwedeng ma-late sa airport," panggigising ni Madir.

"In five minutes, babangon na rin ako,"  sagot ko sa kanya.   

Buti naman ay tumigil na rin si Mama sa pambubulabog sa akin.   Ayoko pa talagang bumangon.    Hindi ko pa rin matanggap ang katotohanan na ngayon na kami aalis papuntang Amerika.    Ayoko na ring umiyak.    

Niyakap ko na lang si Eeyore at si Zashikibuta, ang mga remembrance ko from Rusty.    Kinikilig na naman ako nang maisip ko  ang mga kaganapan nung isang gabi.    

He likes me daw.    A LOT!!!!

Sa wakas nagka-aminan na rin kaming dalawa at nauwi ang lahat sa isang nakakayanig-tuhod na.........    AAaaaaaaaaHhhhhhh!   Kinikilig pa rin talaga ako!   He kissed me!   Hindi lang sa kamay, o kaya sa pisngi, kundi sa labi!    At hindi lamang smack, kundi isang napakatamis na halik.       Nalalasap ko pa rin ang matatamis niyang mga labi. Ang sarap sarap niyang humalik, nakakapanglambot ng katawan.   

Napakasarap pala talaga ng feeling ng mahalikan ng taong gusto mo.   Parang sa mga movies ko lang napapanood ang mga ganong eksena.   Hindi ko naman akalaing mangyayari pala sa akin.    Sigh.    Ang sarap lang mag-day dream buong araw.

Magmula ng mga kaganapang iyon, hindi na kami mapaghiwalay sa isa't-isa ng gabing iyon.   Lagi kaming magkadikit at bakas din ang kasiyahan sa aming mga mukha.    Napansin din ng mga kaibigan ko na may kakaiba sa aming dalawa nang makabalik kami sa loob ng party room.    Glowing daw kaming pareho at ang mga ngiti namin ay abot hanggang langit.    Wala akong sinabihan sa kanila tungkol sa kung ano mang espesyal na pangyayari sa amin ni Rusty.    Ngunit di naman sila natigil sa kakatanong.   

"Huy, bakit ganyan ang itsura mo?"

"Anong meron?   Mukhang may iba sa mukha mo atsaka kanina ka pa ngiti ng ngiti diyan.    Pati nga rin si Rusty kung makangiti wagas."

"May nangyari bang hindi namin alam?"

"Hoy, aminin!"

Hindi ko rin natiis at naikuwento ko sa kanila ang pagtatapat ni Rusty sa akin.  Hindi sila makapaniwala sa umpisa at akala nila'y pinaglololoko ko lang sila.   Ngunit nang mapansin nila ang mga titig ni Rusty sa akin ay naniwala na rin sila.    Hindi ko na nga lang sinabi sa kanila ang tungkol sa aming 'special kiss'.   Akin na lang iyon.   It's something that I want to cherish on my own.   Awkward din namang ikuwento ang tungkol doon.   

Tinanong din nila kung ano na ang relasyon namin ni Rusty gayong nagka-aminan na kami.

Ano na nga ba kami?    

Wala kaming concrete na plan para sa aming future.   Wala rin naman kaming 'label' na maitatawag kung ano man kami sa isa't-isa.   Pero parang meron lang kaming understanding.    Hindi rin daw kami pwedeng maging official na mag-boyfriend dahil nga daw sa aalis na ako.   Mahirap ang long distance relationship.  Ayaw daw niya akong matali nang dahil sa kanya.   Masyado pa daw kaming bata at gusto rin niya akong makapag-enjoy sa Amerika.  Pero napagkasunduan naman naming ipagpatuloy ang aming komunikasyon via email  o kaya sa chat.    

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon