CHAPTER 50 EXTENDED

2.1K 50 22
                                    

*This chapter is dedicated to ilove272419 .  Thank ulit sa pagtangkilik. =) *


CHAPTER      50         EXTENDED

 SAMOTNY

Hindi pa rin ako maka-get over sa mga pangyayari.     Nakatulala lang akong nakahiga sa kama ko.     Paulit ulit kong iniisip ang mga nangyari ngayong araw na ito.       

He kissed me.

Can't let my Hunny go without giving her a goodnight kiss right?

AAAAaaaaaaAAAAAAaaaaaaaaHhhhhh!!

Sobra akong kinikilig!    

Hindi pa rin ako makapaniwala.     Hindi nga ako naghilamos e para ma-preserve ko ang halik ng prince charming ko a.k.a. Honeybunch.

Sigh.     Niyakap ko na lang si Eeyore at si Zashikibuta.     

Naku ah, kamuntikan ko ng maging first kiss iyon.    Well, sort of.    Hinalikan niya ako sa gilid ng labi  ko.    Mabilis lang din naman.    Is that counted??     

Kahit na sa gilid lang ng lips niya ako hinalikan, napakalakas pa rin ng impact sa akin.    Ang lambot ng mga labi niya.     Kinikilig ang buong katawan ko.   Nyahahahaha.   What more pa kaya kung sa lips pa talaga ako nahalikan?!   

Teka, nakakadalawa nga pala siya sa akin.    Naalala ko yung nasa neoprint booth kami.     Tinignan ko ulit ang pictures naming dalawa.

Yung first shot namin, pareho kaming nakasmile.    Ang cute cute naman naming tingnan!

Yung pangalawa naman, naka-peace sign ako.    Pero si Rusty hindi man lang nakatingin sa camera.   In fact, sa akin siya nakatingin.    Mukha ring ang lalim ng titig niya sa akin.     Ano kayang iniisip niya at that time?   Bakit din kaya siya nakatitig sa akin?

Yung pangatlong picture naman ang mas lalo kong ikinagulat.     Makikita sa picture ang pagkabigla ng mukha ko habang si Rusty naman ay nakahalik sa pisngi ko.     Waaaaahhhhhh!     Kinikilig na naman ako!  

Yung last picture naman ay pareho kaming nagkatitigan sa isa't-isa.

"We looked like a real couple there."

In fairness, tama si Rusty.   Mukha nga kaming totoong mag-ON.

O my gravy, ipapalaminate ko talaga itong picture na ito!  

Naka-smile ako habang nakapikit ang mga mata ko.    Haaayyyyy.    Sana mapanaginipan ko rin si Rusty.     

_____________

Ilang araw na lang ay ga-graduate na kami ng High School.   Bigla akong nakaramdam ng lungkot.   Hindi pa ako ready na mahiwalay sa mga friends ko.    Imagine, halos araw-araw ko silang kasama.   Napakasaya at napaka-memorable ng High School life ko nang dahil sa kanila.    At siyempre, mas lalo pang naging makulay dahil kay Rusty.   Hay.   Hindi pa rin ako ready na hindi makita si Rusty araw araw.    Sigh.

Speaking of.    Nakaabang na naman ang prince charming ko sa gate ng school.    Ang gwapo gwapo niya at mukhang fresh na fresh din.    Sigh.    

Ngumiti siya sa akin nang makita niya ako.    Feeling ko nag-bablush na naman  ako.    E kasi naman, naalala ko na naman yung last encounter namin.   Bigla naman akong nahiya. 

"How's my Hunny?   Did you miss me?.........." pagbati niya sa akin.

Hunny????   Bakit Hunny pa rin ang tawag niya sa akin?    Hindi ba't isang araw lang kaming nagpanggap bilang mag-boyfriend??

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon