CHAPTER 28 TSISMIS

2.4K 55 9
                                    

CHAPTER        28                       TSISMIS

SAMOTNY's POV     

"Gosh, did you see him last Friday?    Ang gwapo gwapo ni Rusty!"

"Oo nga e,    saan ba nagtatago yon all these years?!     Bakit ngayon ko lang siya napansin?"

"Girl, varsity player siya ng basketball team.   How could you not know?"

"Oh my God.     Crush ko na talaga siya!"

"May girlfriend na kaya siya?"

"Ang sweet sweet ng moves niya nung nag-escort siya kay Samotny nung Friday.     Ang swerte naman ng babaeng iyon!     Hindi naman sila together diba?"

"I'm sure, hinde.    From what I've heard, wala pang nililigawan si Rusty."

"Pst Mots!   Mukhang talk of the day ang Rusty mo ah."      Pagbungad ni Sayyen sa akin during recess time.     Pinag-uusapan lang naman ng mga kababaihan si Rusty.     Bakit kasi ang napakagwapo niya nung Friday?     Marami na tuloy ang nakapansin sa kanya at hindi na lang si Daphne ang kaagaw ko,  marami na.     

Nagpatuloy pa rin naman ang  grupo ng mga kababaihan sa kanilang pagchichikahan.     

"Naku.    Hindi niyo pa ba naririnig ang latest?"

"Anong latest?"

"Naku, sigaradong malulungkot kayo sa nasagap ko."

"Ano nga iyon?"

"May girlfriend na daw si Rusty, bago lang."

"Huh?!     Sino????!!!!!"

"Kilala niyo si Daphne?"

"Yung magandang Junior?"

"Yup.    Siya ang girlfriend ni Rusty."

Gulp.      Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang huli nilang pinagusapan.     Ano daw?   Girlfriend na ni Rusty si Daphne????   Mukha rin namang tugma sa mga pangyayari nung mga nakaraang araw lalung-lalo na nung Friday.    I knew it, si Daphne nga ang kasama niya nung Friday kung kaya't hindi siya nakarating ng maaga sa pageant.    At si Daphne rin naman ang dahilan kung bakit umalis na agad si Rusty  matapos niya akong ihatid sa stage.

"Uh oh.     Mukhang talk of the hour din ang Rusty mo..... atsaka yang Daphne na yan.     Ok ka lang friend?"     Pag-aalala naman ni Kiray.

"Walanghiyang Daphne iyon ah.    Hayaan mo Mots.    Feeling ko hindi totoo ang tsismis na iyan."   Pagtataray naman ni Teren.     

Nakatulala pa rin ako.    Paano kung totoo nga ang balitang ito?   I'm crushed!      Ganito pala ang feeling ng bigo?

Nagsalita na naman ang mga kababaihan.

"Huy!    Speaking of.      Paparating dito si Rusty!    Ayee!!"

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon