CHAPTER 46 Final Exams

2.1K 51 24
                                    

CHAPTER         46            Final Exams

Hindi pa rin ako maka get-over sa mga kaganapan lately.      Si Rusty naman kasi.     Hindi tuloy ako makapag-focus sa pag-rereview!     Simula na ng final exams namin bukas.      Feeling ko hindi pa rin ako ready.     Puro kasi si Rusty ang laman ng isipan ko.

"I want to get to know you better..."

"I'll be spending more time with you..."

"Take care and I can't wait to see you again..."

Yung mga ganong lines ba naman ang mga pinakawalan niya???    Pak!   Sino ba namang hindi kikiligin????     

Madalas rin siyang magparamdam lately.     Madalas ko rin siyang nakakasama.      Tuwing umaga ay nakaabang na siya sa gate ng school namin.    Sinasabayan niya akong pumunta sa locker at umakyat papuntang classroom.      Pag uwian naman, nakaabang na rin siya sa labas ng classroom ko.     Palagi rin niyang binubuhat mga libro ko.      

Haaaaaayyyy.     Kaya ako nagkakaganito.    Never kong naisip na magiging ganito si Rusty sa akin.   Ang crush ko.    Ang prince charming ko.     

Pero bakit nga ba niya ginagawa ang lahat ng ito?     Hindi kaya.....may gusto na rin siya sa akin?    Ako kaya ang tinutukoy niyang someone that he likes?        Haist!    Mahirap ng mag-assume!     Baka naman super friendly lang siya sa akin dahil natutuwa siya sa akin at gusto lang niya akong maging ka-close?      Naku, bahala na nga!      I have my exams to worry about first!

_____________

Okay, this is it.    First day na ng final exams namin.       Yaaawwwnnn!    Gumising ako ng madaling araw kanina para mag-review.      Mahilig talaga ako mag-cramming!     But my mind works better that way.     Mas nare-retain ang ang mga information sa utak ko.       Sana mag-work ulit  this time.  

Teka, wala yatang nakaabang na Rusty sa gate ngayon.     Wala rin sa locker?    Hmmm...   bakit kaya?    Kailangan ko pa naman siyang makita para ma-inspire ako.     Ano kayang nangyari dun?      Baka nagbago na ang isip niya at ayaw na niya akong makilala pa ng lubusan.

Wala ring Rusty na nag-aabang sa labas ng classroom ko.      Weird.    Nakakalungkot naman.     Pumasok na ako ng classroom.       Naka-kumpol ang mga friends ko at naglalast-minute review.      Si  Joralu naman ang nagrereview sa kanilang lahat.    Nakisali na rin ako at baka sakaling may mahagap pa akong mga information.       

Nagrereview pa rin kami nang may kumatok ng malakas sa pintuan namin.         Si Theodore???    Anong ginagawa niya dito?

"I have a delivery for Samotny!"  sigaw ni Theodore.        

Delivery?    Ano naman kaya iyon?    Tumayo ako at naglakad papunta kay Theodore.

"I have a special delivery for you, Your Highness,"  sabi ni Theodore na nakangiti.

Your Highness ka diyan.     Ano na naman kayang pakulo nito?

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon