EPILOGUE

2.1K 45 35
                                    

** Special dedication for naomibellefleur . Heto na ang hinihintay mong epilogue. Sana magustuhan mo. =) Maraming salamat ulit sa pagtangkilik. =) **


SAMOTNY

"Girl, ang ganda ganda mo na," excited na pahayag ni Letchoy nang matapos na ang aking make-up.

"Eh kung ba naman si Chanitz ang make-up artist mo eh, sino bang hindi gaganda?" galak na pagbibiro ni Kiray at nagsipagtawanan silang lahat.

"Kayo talaga, ang lakas ninyong mang-alaska. Pati sa araw ng kasal ng kaibigan ninyo, wala kayong patawad. Ibang klase din kayong magkakaibigan noh?" nakangiting sabi ni Chanitz.

"Hay nako, masanay ka na sa mga iyan, Chanitz. Ganyan na talaga ang mga iyan mula pa noong high school kami. Immune na ako sa mga iyan. Kaya kahit ano pang panglalait nila sa akin, hindi na ako apektado. Ha!" wala kong pakialam na pahayag kay Chanitz at nagsipagtawanan lang ang mga bruhilda kong friends.

Hinayaan ko na lang sila at humarap na lamang ako sa salamin. Napalaki ang aking mga mata sa pagkamangha nang makita ko ang aking sarili. Kahit ako ay halos hindi makilala ang aking sarili.

"Chanitz, this is so magical!" gulat ko pa ring pagsasaad na ikinangiti na lamang niya. Talaga ngang ang napakagaling niya. Buti na lang din ay napapayag ko siyang sumama sa akin dito sa Pilipinas para sa special na araw na ito. Nakilala ko siya sa Chicago. Aspiring make-up artist pa lamang siya noong una ko siyang makilala. Siya ang taga make-up ko noong kaka-start ko pa lang sa showbiz sa Chicago. Tulad ko, marami din ang mga namangha sa kanyang galing kaya't nai-refer ko siya sa ibang mga nakatrabaho ko noon hangga't sa dumami na ng dumami ang kanyang mga clients at naging sikat na rin siya sa Hollywood. Madalas din siyang kunin as a make-up artist sa mga fashion shows.

Kaya naman ay ang laki ng pasalamat ko nang pumayag siyang maging make-up artist ko despite her busy schedule. "Cha, salamat talaga ah for doing this for me."

"Ay ano ka ba? I wouldn't miss this for the world. Siyempre gusto ko ring ma-witness ang 'wedding of the year' ng Pilipinas," maligaya niyang pagsasaad. "And besides, it's an honor to make one of Philippine's pride extra beautiful." Pagkatapos ay binigyan niya ako ng isang mahigpit na hug.

Knock Knock.

Ay, sino kaya ang kumakatok?

"May delivery po galing kay Mr. del Torro."

Agad namang nagsipagtilian ang mga kaibigan ko sa excitement. "Wow, ang sweet talaga ng mapapangasawa mo. Dali, buksan na natin," nagagalak na pahayag ni Sayyen.

Agad akong napangiti nang makita ko ang isang red na long-stemmed rose kasama ang isang maliit na box na may nakalakip na isang envelope. It's so Rusty. Hanggang ngayon ay madalas pa rin niya akong binibigyan ng mga surprises.

Binuksan ko ang envelope at inilabas ang isang papel na may hand-written note:

"I can't wait to see you and I can't wait for you to become mine forever.
Today, all my dreams will come true. I can't imagine marrying anyone else but you.
You are my dream, my only love and my future.
I love you, Hunny.

P.S. I hope you like my present.

Love,
Your Number One Fan"

"Awww. Mahal na mahal ka talaga niya, friend. Dali, buksan na natin yung box!" pagtititili ni Yokaby.

Agad ko ring binuksan ang box dahil hindi na rin ako makapaghintay. May laman itong kwintas na may mahabang rose gold chain at locket na may initials na R + S. Binuksan ko rin ang locket at halos mapaluha ako sa aking nakita. Laman nito ang picture naming dalawa noong nasa Neoprint booth kami, yung nakahalik siya sa aking pisngi. Naitago pa pala niya ang larawang ito. Ang dami nga talaga naming mga magagandang alaala noong high school. I still can't believe that I'm marrying my longtime crush and love of my life!

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon