Tahimik lang ako habang nasa hapagkainan kami kahit ramdam ko ang mabibigat na tingin sa akin ni Hellios. I focused on my food as much as possible and pretended that I did not feel him.
Hindi ako nagagalit na nakita kong magkasama sila ni Hannah. He already gave me an explanation and I accepted it as valid. I want to think that Hannah is a good person and I am just taking her the wrong way but my mind is telling me otherwise.
Sa ilang beses na nakikita ko silang magkasama, aaminin kong puro selos ang nararamdaman ko. Sabi nila, kung may tiwala ka sa karelasyon mo, hindi ka makakaramdam ng selos. May tiwala ako kay Hellios... pero bakit nagseselos pa rin ako?
Is it already enough that I trust the person I love?
"Ako na po ang magliligpit ng pinagkainan-"
"Ako na, Raph. Magpahinga ka na sa kwarto mo. Maaga pa ang pasok mo bukas."
Nagpalipat-lipat ang mga mata niya sa amin ni Hellios bago pumirmi sa akin.
"Are you sure po?"
I gave him an assuring smile and nodded my head. Ilang saglit pa nang tumayo na siya at nagpaalam. Ako ang nahuling kumain pero si Hellios ay nananatili pa rin sa tabi ko at tahimik. Hindi ko siya binabalingan. I chose to remain silent in times like this.
Tumayo ako at nagsimula nang magligpit. Nang sa kaniya na ang kukuhanin ko ay hindi ko napigilan ang tingnan siya.
"Tapos ka na?" tanong ko.
Tumango siya ngunit hindi naman na nagsalita. Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para kuhanin ang mga pinagkainan niya at sabay-sabay na inilagay sa sink.
Isinasalansan ang mga plato roon, naramdaman ko ang pares ng mga kamay sa bewang paikot sa tiyan ko. Hindi ako tumigil sa ginagawa kahit pa literal na panandaliang huminto ang hangin sa pagpasok sa dibdib ko.
"You're jealous." he concluded as he rested his chin on my shoulder.
"How to stop this?" natatawang tanong ko habang binabasa ang puting plato na hawak. "I'm sorry. Ayokong magselos pero hindi ko mapigilan."
"Hmm. Ba't hindi mo mapigilan?"
For the first time since I got jealous of Hannah, I cried. However, I am not letting Hellios see that I am tearing up so bad. Baka pagtawanan niya lang ako at ayoko no'n.
Pero tila ba sasabog na ang dibdib ko sa emosyong itinatago. Humikbi ako. He surely heard it that he immediately turned me around and hugged me.
"I'm really sorry, Samael. I just feel it. Ayokong magselos pero hindi ko mapigilan sa tuwing magkasama kayo."
"Jealousy is normal-"
"No. I don't want to normalize this feeling. You know I have huge trust in you. Pero nahihirapan akong kontrolin."
Pinatakan niya ng halik ang ibabaw ng ulo ko na mas dahilan para lalo akong humikbi.
"Kung sakaling humingi ulit si lola ng pabor tungkol sa kaniya, tatanggihan ko. I don't want to put our relationship at stake just because of that girl."
Hindi ako kumibo. He keeps on caressing my back trying to comfort me in anyway he can. Nang medyo kumalma ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
General FictionShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.