MHIH 52

38.6K 1.1K 102
                                    

Chapter 52

I was stressed and restless for the past days. Kahit anong pilit ko na huwag isipin ang tungkol sa pinagbubuntis ni Hannah ay hindi ko maiwasan. It’s been hard for me to sleep peacefully at night thinking about the huge possibility that my husband cheated on me.

It affected me. It affected my mood everyday. Maging ang pakikitungo ko sa ibang tao ay naapektuhan. Hindi ko magawang maging kalmado sa bawat araw na lumilipas. Pinipilit kong maging positibo at huwag isipin ang posibilidad na nasa bingit na ng pagkasira ang relasyon namin ni Hellios pero masiyadong abot kamay ‘yon.

“The CCTV in Hannah’s room was broken. When I tried ro talk to the staff in the control room, he said that the cameras was really broken days before that happened. Aayusin na sana pero nagkaroon ng problema ang gagawa.”

I still remember how Hellios threw that explanation to me a day after he went to the condo where Hannah lives. Iyon lang ang nakikita kong paraan para malaman ang totoo kung may nangyari nga sa kanila no’ng gabing ‘yon. But since it’s damaged, I already lost the hope to find the truth out.

Gusto kong isipin na nagsasabi si Hellios ng totoo na walang nangyari sa kanila. I want to hold on to his words that he didn’t cheat on me and it’s just a frame up. Madaling sabihin na hindi niya ginawa. Na hindi niya ako niloko. Kasi wala naman nang ebidensya na puwedeng magturo na niloko niya ako. At kahit anong sabi ko sa sarili ko na may tiwala ako sa kaniya, aaminin kong hirap na hirap pa rin akong gawin ‘yon.

He is a man. He can always be tempted to other woman no matter how he thinks that he is loyal to his better half. Ano ba naman ang salita at mga pangako? Napakadaling baliin.

“Huwag kang masiyadong mag-isip nang hindi mabuti, anak. Naniniwala akong walang ginawang labag sa pagsasama n’yo ang asawa mo.” Si Mama.

Siya lang ang nagagawa kong kausapin sa mga nakalipas na araw. Sinabi ko sa kaniya ang totoo at bilang isang magulang ay hindi niya naiwasan ang damayan ako sa sakit na pinagdadaanan ko. Only that she had a strong faith to Hellios. She felt that he won’t never betray me.

What if he already did?

“Hindi ako mapapalagay, Mama, hangga’t hindi ko napapatunayan na hindi si Hellios ang ama ng batang dinadala ni Hannah. Saka lang po ako makakatulog nang mahimbing sa gabi kapag nalaman kong hindi ako niloko ng asawa ko.”

Pinunasan ko ang luha mula sa mga pisngi ko habang ang isang kamay ay nasa ibabaw ng aking maumbok na tiyan. Everytime I cry, there’s a stabbing pain happening in my belly. Pinaalalahanan ako na huwag magpapadala sa kahit na anong stress dahil maaapektuhan ang bata sa loob.

I am trying not to get emotional each passing time but it’s difficult.

“Huwag ka nang umiyak. Magiging maayos rin ang lahat. Hindi ba at walang ibinibigay na pagsubok ang Diyos kung alam Niyang hindi mo kakayanin? I’m sure your marriage is being tested so you have to stay strong. Lalabas rin ang katotohanan na mabuting lalaki ang asawa mo.”

Suminghap ako, mas lalong naging emosyonal habang ang luha ay sunod-sunod na sa paggapang sa mga pisngi ko. Nilingon ko si Mama. She helped me wipe the tears out of my cheeks.

“Bakit malakas ang paniniwala mo na hindi po magagawa sa akin ni Hellios ‘yon, Mama?”

She purses her lips and smiled a little. “I don’t know. I just feel that he can’t do that to you. You know what, Elizabeth, everytime your father dared to judge him before, he always proved us that he is a good man. The way he looks at you, I know that he will do everything for you. Madaling makita sa mga mata ng asawa mo kung gaano ka niya kamahal.”

Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon