MHIH 42

42.2K 1.4K 83
                                    


“Hindi namin ginawa. Hindi namin kayang gawin.”

The only sound I can hear right now aside from this revelation my father was telling us was the sound of my heart throbbing really fast against my chest.

“Kaya kami narito ngayon kasi hindi namin sinunod ang gusto niya. Hindi namin alam kung paanong may droga na nakita sa bahay gayong ni minsan ay hindi kami gumamit ng Mama mo ng bawal na gamot. May hinala kaming si Jaime ang may pakana ng lahat. Hindi kami sumunod kaya heto at ginantihan kami.”

Umiling ako, sunod-sunod. Maraming tanong sa isip ko at hindi ko alam kung ano ang dapat na unahin. I can feel my hands getting cold. Pakiramdam ko ay gusto nang sumabog ng dibdib ko sa mga bagay na natutuklasan.

“B-Bakit si Hellios, Papa? Bakit si Lola Carmina ang puntirya niya? Hindi ko po maintindihan!”

Nilingon ko si Hellios. His eyes, if possible, became darker and more cruel. Gumagalaw ang buto sa panga niya habang nakatingin sa mga kamay na magkasalikop. I can feel the immense anger trying to scream out of his soul. Alam ko. Nararamdaman ko sa tuwing may emosyon na gustong kumawala sa kaniya.

“He likes you so much, Chloe. Gustong-gusto ka niya angkinin at nagalit siya nang dumating si Hellios para bayaran ang utang namin. But he was after the money too. Nasilaw sa laki ng halaga na ibinigay sa kaniya. Masiyadong tuso si Jaime, anak. Kahit na binayaran siya ay gusto niya pa rin makaganti sa taong pakiramdam niya ay inagawan siya-”

“Hindi niya kailanman naging pag-aari ang asawa ko,” malalim ang boses na sagot ni Hellios.

Umayos siya mula sa pagkakaupo at diretsong tiningnan sina Papa sa mga mata. The way he stared at him told me that he’s not taking any crap right now.

“Was the cause of my grandmother’s death really an accident? Kung hindi n’yo siya sinunod sa gusto niya, may posibilidad na iba ang inutusan niya.”

Bumuntonghininga si Papa. “Nasisiguro kong tauhan pa rin ni Jaime ang kumitil sa buhay ng lola mo. I believe it’s an inside job.”

Inside job? Ibig sabihin ay nasa loob lang ng bahay ang pumatay kay Lola Carmina? Sino kung gano’n? Iilan lang ang kasama ni lola sa bahay. At kung iisa isahin, lahat ay walang motibo na gawan ng masama si lola.

Pinagmasdan ko si Hellios, halatang malalim ang iniisip. Nakakuyom ang mga kamao niya, malalim ang bawat paghinga.

“Where can I find him?” tanong niya kay Papa.

“Si Jaime? Ang huling dinig ko ay tutungo siya ng ibang bansa. Siguradong magtatago ang isang ‘yon dahil alam niya kung gaano kabigat ang kinalaban niya.”

“He killed my grandmother and he thought he can just get away with me?” Poisonous venom laced with his baritone voice. “I’ll make sure he will experience hell in my arms.”

“Hellios…”

Nilingon niya ako. Sa kabila ng galit na nararamdaman niya ay pansin ko pa rin ang paglambot ng mga mata niya nang matitigan ako.

“I promise I won’t do anything that will be against your rules, Chloe.”

Hindi man sang-ayon sa kung ano mang tumatakbo sa isip niya, umaasa pa rin ako na hindi siya gagawa ng kung ano mang magdadala ng kapahamakan sa kaniya.

Tiningnan ko sina Papa. Mataman lang siyang nakatitig sa akin at matipid na ngumiti. Ibinaling niya ang tingin kay Hellios.

“Pasensya na at iyan lang ang impormasyon na magagawa ko ibigay sa’yo, Hellios. Kung alam ko lang sana kung nasaan ngayon si Jaime ay hindi ka na mahihirapan pa hanapin siya.”

Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon