Prologue
I carefully inserted the amethyst stones through the elastic cord. Nang makarami ay sunod kong inilagay ang Miraculous medal at Padre Pio charm. I tied it and secured the clasp with a double knot and some glue.
"Ate, let's watch the new release of my favorite movie on Netflix!" It's Raphael, my younger brother.
Hindi ko siya tiningnan at nagpatuloy lang sa ginagawang rosary bracelet. "You know we can't watch anything on the television, Raph. Mapapagalitan tayo ni Papa."
"But Papa is not here yet! Mamaya pa po ang uwi niya. Hindi naman niya tayo maaabutang nanonood. Please, ate?"
Kinagat ko ang ibabang labi sabay bumuntonghininga. Ibinaba ko ang hawak na plais at nilingon ang bunsong kapatid. There's hope and sadness combined in his brown almond eyes. Walang ngiti sa labi niya, nakikiramdam sa magiging desisyon ko.
Ni minsan, hindi ko nagawang tanggihan ang sariling kapatid. There were many instances that I followed whatever he wanted as long as we will be doing it secretly. Kung may ginawa kami na labag sa patakaran dito sa bahay, siguradong magagalit sa amin si Papa. Walang problema kung ako lang ang mapapagalitan, pero kung pati si Raphael, ayaw ko.
Watching the television is not allowed unless we're going to watch Catholic-related shows. Pero kung mga simpleng palabas lang kagaya ng mga normal na pinapanood ng mga bata at matanda, hindi maaari. It's strictly probihited in this house. Bilang parte ng simbahan, malaki ang paniniwala ni Papa na masamang impluwensya lang ang idudulot sa amin nito.
Bagay na hindi ko maintindihan dahil ni minsan, hindi ako naniwalang kaya kang impluwensyahan ng isang tao o bagay. Mayroon tayong kaniya-kaniyang isip at paniniwala. Kung gagawa ka ng masama, ginusto mo 'yon.
Ganoon kasimple.
Muli akong humugot nang malalim na hininga at pinakawalan ito. Tipid akong ngumiti sa kapatid dahilan para ngumiti rin siya. He surely knows that I'll let him watch with me.
"Sige, pero sandali lang tayo, Raph. Mamaya ay dadating na sila Mama at Papa. Hindi nila tayo puwede maabutan lalo na at mayroong banal na misa mamaya."
"Yes, ate!" sunod-sunod ang tango na wika niya. His lips made a gigantic smile that exposed his dimples. "Thank you!"
"Bago ang lahat, magbihis ka na para mamaya pagdating nila ay nakaayos na tayo. Hindi tayo puwedeng mahuli."
Mabilis siyang tumalima sa sinabi ko at pumasok na sa kwarto niya. Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa tuluyan na siyang mawala.
Raphael is already thirteen years old and he's surely curious about things right now. Sa sobrang higpit ni Papa sa amin, wala akong ibang dalangin na sana ay huwag gagawa ang kapatid ko ng mga bagay na pagsisisihan niya dahil lang sa kuryosidad.
Tinapos ko lang ang ginawang bracelet dahil may order nito sa akin mula pa sa ibang bansa. Bukod sa pagtulong sa restaurant namin, ang paggawa ng mga rosary bracelets ang siyang pinagkakakitaan ko. Sang ayon rin naman si Papa kaya wala akong nagiging problema.
Lahat ay kailangan dumaan sa kaniya. Lahat kailangan may pahintulot niya. Wala kaming sariling desisyon. Mahigpit, nakakasakal. Pero kailangan sumunod.
Honor your father and mother, so that you may live long in the land the Lord your God is giving you — this is what I always put in mind to stop myself from asking so many questions why my parents have to be this strict to us.
Para mailayo kami sa kapahamakan? Kahit sobra na? Siguro nga.
Nagkaroon kami ng isang oras ni Raph na makanood bago dumating ang mga magulang namin. Mabuti na lang at wala naman silang napansin na kakaiba. Minsan ay naaawa na lang ako sa aming dalawang magkapatid. Kinakailangan pang magtago sa panonood kahit na wala namang masama sa palabas na gusto namin panoorin.
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Fiksi UmumShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.