I used to wear white clothes all throughout my life. Puti ang palagi kong suot sa tuwing dadalo ako ng banal na misa hanggang sa naging paborito ko na. By wearing that color, I feel clean and neat.
But then I did not expect that I would be feeling more beautiful wearing this white dress Hellios bought me and gave me through his secretary.
Nasa opisina siya ngayon. Ako lang ang nasa bahay dahil maging si Raphael ay pumasok. Ang akala ko nga ay wala siyang pasok ngayon dahil 'yon ang nabanggit niya kahapon. Kaninang umaga ay nagsabi siyang mayroon silang klase. Just like the usual, sabay silang umalis ni Hellios.
Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin at ngumiti. I am wearing a plain white spaghetti strap dress. Hapit ito sa katawan ko na hanggang tuhod ang haba. It was on pencit cut like modern dresses today. Gusto ko sana patungan ng cardigan dahil lantad ang balikat ko pero inaalala ko na baka masira ang ganda ng bestida.
Hinayaan kong nakalugay ang hanggang bewang na buhok kung saan natural na kulot ang dulo. Hellios asked me for a formal lunch date outside. Sinabi niyang doon na lang kami magkita at ipapasundo na lang niya ako.
Hindi rin nagtagal at dumating ang isang lalaki kung saan nagsabi siyang driver ni Hellios. I didn't know that he has a driver. Akala ko kasi ay siya lang lagi ang nagmamaneho ng mga sasakyan niya.
Sa gitna ng biyahe ay tumunog ang cell phone ko. A smile crept on my lips when I saw a message from him.
Hellios:
Can't wait to see you. I love you.
Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa matinding pagpipigil ng ngiti. Nag-angat ako ng tingin.
"Kuya, saan po kami magkikita ni Hellios? At saka naroon na po ba siya?" magalang na tanong ko sa driver.
"Kanina pa po naroon si Sir Hellios, ma'am."
"Naku. Baka naiinip na 'yon. Lagpas na rin ang oras ng tanghalian, baka nagugutom na siya."
Tumingin ako sa labas ng bintana huminga nang malalim. It's then I noticed that the place was getting unfamiliar. From tall buildings and crowded people outside, all my eyes could see now are the green trees, wide field and a gloomy weather.
"Nasaan na po tayo, kuya?" tanong ko nang hindi siya tinitingnan.
"Nasa Tagaytay po tayo, Ma'am Chloe."
"Tagaytay? Ang layo naman ng gustong puntahan ni Hellios. Marami namang restaurant sa Manila. Bakit dito pa?"
"Hindi ko po masasagot ang tanong n'yo na iyan."
Tumungo ako at nagtipa ng text para kay Hellios.
Ako: We're already in Tagaytay. Why here? :)
Wala akong natanggap na sagot sa text ko na 'yon. Halos kalahating minuto pa nang huminto ang kotse sa tapat ng isang simbahan. My brows even furrowed when I saw the driver get out of his seat.
Pinagbuksan niya ako ng pinto, may ngiti sa kaniyang labi.
"Bakit po kayo huminto dito? Miyerkules po ngayon at walang banal na misa."
Though I'm clueless, I also went down of my seat and let him help me. Nang maiapak ang mga paa sa simento ay inilinga ko ang paningin sa kabuuan ng lugar. Wala namang kakaiba dito kung hindi ang magandang simbahan sa harapan ko.
Pero bakit nga kami nandito? At saka si Hellios, nasaan siya?
"Dito po tayo, ma'am." sabi ng driver na nakatingin sa akin at iginigiya ang daan patungo sa simbahan.
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Ficción GeneralShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.