MHIH 28

50.9K 1.4K 263
                                    

Madaling araw pa lang kinabukasan ay gising na ako. Bukod sa nasanay akong maaga talagang nagigising ay gusto kong ipagluto si Raphael at siyempre… si Hellios. Kahit sa ganitong paraan man lang ay may maitulong ako sa kaniya.

Bumangon na ako at nagligpit ng pinaghigaan. Mabigat pa rin ang dibdib ko dahil sa nangyari kahapon pero pinilit ko na huwag na lang ‘yon intindihin. Ayaw ko simulan ang araw ko sa negatibong pag-iisip.

Pagkatapos maglinis ay nagdiretso na ako sa banyo. Hanggang ngayon ay natutuwa pa rin ako na para bang pinaghandaan ni Hellios ang pagdating namin dito kahit na ang totoo ay hindi naman.

Bago at maayos ang lahat ng gamit. There’s even a new toothbrush and it’s in color pink. Naisip ko na baka may ibang nagmamay-ari no’n at naiwan lang pero dahil sarado pa ang packaging niya, inalis ko sa isip ko ‘yon.

It’s just five in the morning when I walked out of the room. Sana ay maaga rin magising si Raphael dahil may pasok pa siya mamayang ala-sais.

“Ano kaya ang puwede kong iluto para sa almusal?” bulong ko sa sarili habang naglalakad patungong kusina.

I had a glimpse of the woman I used to see in one of the picture frames. Gusto ko na malaman kung ano ang kuneksyon niya kay Hellios pero nahihiya akong magtanong.

Pagkapasok sa entrada ng kusina ay kusa akong napatigil sa paglalakad. I blinked my eyes upon seeing Hellios’ back. Nagluluto siya, ang mabangong aroma ng bawang ay umaatake sa pang-amoy ko.

He must have felt my presence when he turned around and met my eyes. A soft smile suddenly appeared in his lips.

“Mornin’.”

Ngumuso ako. “Bakit ang aga mo naman magising?”

He chuckled. Rinig na rinig ang pagkalalim ng boses niya na para bang kakagising niya lang rin.

“Why? Am I supposed to wake up late?”

Tumalikod siya at ipinagpatuloy ang pagluluto na sa tingin ko ay fried rice. Still pouting my lips, I ambled towards him and watched him cook.

“That’s not what I meant. Gusto ko kasi sana na ipagluto kayo ni Raphael ng breakfast. Iyon man lang sana ang magawa ko kapalit ng tulong mo sa amin.”

Nilingon niya ako, taas ang isang kilay at busangot. My eyes blinked at his reaction. Ibinalik niya ang tingin sa niluluto.

“I am not asking for any return, Chloe. I honestly feel relieved that you and Raphael are here. Wala akong makitang dahilan para suklian mo ang pagtira n’yo dito o ang kahit na anong pagtulong ko sa inyo. I am helping you because you are my girlfriend and I am damn in love with you. Wala akong hinihinging kapalit.”

Kinagat ko ang labi at sinikap na huwag ngumiti. Aaminin kong nakakaramdam ako ng kilig dahil sa mga sinasabi niya pero ayokong ipakita ‘yon sa kaniya.

Tumungo ako at huminga nang malalim. When I raised my head, I found Hellios seriously looking at the dish he was cooking.

“Ako na diyan…” sabi ko.

“I can already do this. Maupo ka na lang doon.”

“E, ano’ng gagawin ko doon? Tutunganga lang?”

“Gusto mong may gawin ka?” walang emosyon na sagot niya.

Tumango ako kahit pa hindi naman niya nakikita. “Sanay ako ng palaging may ginagawa, Hellios. ”

“You can hug me from behind then. Para may magawa ka.”

Ngumiwi ako. He gave me a lazy glance. Nang makita ang reaksyon ko ay natawa siya.

Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon