Sa kabila ng pagiging seryoso ng ekpresiyon niya ay nagawa ko pa rin siyang ngitian pagkalapit niya sa akin.
Gusto kong isipin na hindi maganda ang timpla ng mood niya ngayon lalo pa at kakaiba ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Masiyadong madilim, tila iritado. Pero naisip kong ganoon naman talaga siya kahit noong una ko siyang makilala.
“Hellios,” tawag ko. “Naparito ka ulit. You’ll dine in again?”
Malalim na buntonghininga ang naging sagot niya sa akin, titig na titig sa mga mata ko.
“Uuwi ka na?”
Tumango ako bilang tugon. “Siguradong nakauwi na si Raph ngayon sa bahay. Wala pa kasi sina Mama at baka nagugutom na ‘yon. He still doesn’t know how to cook.’
“I’ll drive you home.”
Sunod-sunod ang naging pag-iling ko. “No, it’s fine. Marami namang taxi ang dadaan. At saka, bakit narito ka ulit?” Lumagpas ang tingin ko sa balikat niya patungo sa mismong kotse niya. “Are you with your girlfriend?”
His thick brow suddenly lifted in a snobbish way the moment I bore my gaze back to him. Pakiramdam ko tuloy ay may nasabi na naman ako na ikinainis niya. Lagi na lang siyang naiinis sa akin. Maybe my mere presence irritates him. Lalo pa at salungat ang paniniwala namin sa Diyos.
Kaya lang ay siya naman ang madalas na lumalapit sa akin. By accident or not. Aaminin kong nasasanay na rin ako sa presensiya niya. I find his company interesting. Kahit madalas ay sinisimangutan niya lang ako at iirapan.
“I have one?” he asked that snapped me out of my thoughts.
Uh… ano nga ba ulit ang tanong ko sa kaniya?
“Iyong kasama mo kanina. Thali is her name, right?” I said after I remembered what I was asking him. “I thought Florence was your girlfriend. Siya kasi ang kasama mo noon sa anniversary nina Lola Carmina.”
“Paying attention to the girls I was with?” He smirked.
I shook my head. “No. I’m just really observant. Please don’t mind me.”
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya, nagkunwaring sa mga sasakyan na dumadaan ang atensyon ko. Tama siya nang sabihin niyang pinapansin ko ang mga babaeng nakakasama niya at hindi ko naman ‘yon sadya. Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko kung bakit ko rin binibigyan atensyon ang mga nakakasama niya.
Hindi talaga. Maging ako ay napapaisip rin.
Nakita ko ang isang taxi na paparating sa gawi ko. Kaagad kong itinaas ang kamay ko para tawagin ‘yon nang bigla ‘yon hawiin ni Hellios sa marahang paraan at ibinaba. Salubong ang makakapal niyang kilay nang tingnan ko siya.
“Ako na ang maghahatid sa’yo pauwi.”
Umiling ako. “Baka biglang dumating sina Papa at makita akong inihahatid ng lalaki. Papagalitan ako, Hellios.”
“Sa dating gawi, Chloe. Kung saan ko kayo palaging inihahatid ni Raphael.”
Dalawang bahay bago ang sa amin, doon madalas na huminhinto ang kotse niya sa mga pagkakataon na inihahatid niya kami. Alam ko na wala namang masama kung papayagan ko siyang ihatid ako. Hellios is a good man and I have proven that a couple of times. He’s my savior in times when I feel helpless.
I know that he doesn’t want to be praised that he’s a good man. Sa ilang beses ko na siyang nakakasama, ayaw niyang sinasabihan siyang mabait. He wants to hide under the impression that he’s a bad man which I totally oppose.
“Sige.”
A ghost of smirk etched on his lips. Hindi na kami nagsalita pa parehas at nagtungo na lang sa kotse niya. He opened the car door for me. I smiled at him.
“Thanks.”
Imbes na sagutin ako ay nag-iwas lang siya ng tingin sa akin. Malalaki ang naging hakbang niya patungo sa kabila at nang makapasok ay siya namang pagkaagaw ng atensiyon ko ng isang pamilyar na lalaki.
I watched him totally get out of the driver’s seat. May ilang kalalakihan pa ang lumabas. Kagaya nung unang beses ko silang makita, marami pa rin sila. Papasok na sila sa main entrance ng restaurant at hindi ko pa rin magawang ilubay ang tingin ko sa kanila.
“Who are you looking at?”
Mabilis akong napalingon sa kabilang gilid ko nang marinig ang tanong na ‘yon. Ganoon na lang ang panglalaki ng mga mata ko nang hindi sinasadyang lumapat ang labi ko sa labi ni Hellios na nakadukwang pala sa akin!
Parehas namimilog ang mga mata namin habang nakatingin sa isa’t-isa at magkalapat ang mga labi. I could hear my heart pounding so fast inside my ribcage. Literal akong hindi nakalagaw sa kinauupuan ko, hindi lubos na maisip kung ano ang nangyayari!
Si Hellios ang unang nagbawi, titig na titig sa akin samantalang ako ay naiwang tulala sa kaniya. He muttered a soft curse before he looked away with clenched jaw.
“H-Hellios…” nauutal na tawag ko sa kaniya habang marahang iniaangat ang kamay patungo sa labi ko. When I finally got a touch of it and blinked my eyes with uncontrollable heart pulse. “You k-kissed me.”
Hindi siya makatingin sa akin. Malikot ang mga mata niya habang mahigpit na nakahawak sa manibela ang kanang kamay. Ang isa naman ay nakatuon ang siko sa gilid habang pinaglalaruan ang labi.
“I didn’t. It was an accident,” he muttered those words under his breath. I could hear the hardship through his deep tone for some reason. “Fuck, why did you suddenly turn around?”
Tila iritado pa siya nang tingnan ako! Aba, at bakit parang kasalanan ko pa? Siya na nga itong nanghalik sa akin! He just had my first kiss!
“Why do you sound like it’s my fault? May tinitingnan lang ako tapos ikaw itong nakadungaw rin sa gawi ko, Hellios!” I said hysterically.
Hindi naman ako nagagalit. Maaaring naiinis dahil pinalaki akong konserbatibo nina Mama. They said that I should only give my first kiss to the man I love. At saka, hindi dapat iyon ginagawa ng mga taong walang relasyon at hindi pa kasal. Aksidente man o hindi, mali pa rin.
Huminga ako nang malalim at marahang ipinikit ang mga mata ko sa kabila ng mabilis pa rin na tibok ng puso ko. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng kaba na sinamahan pa ng hiya. I could feel my face getting flushed. My palms were even cold and sweaty and that’s just because of that kiss!
“Forgive him, Father, for he has sinned. He surely didn’t know what he—”
“Wait,” he chuckled sarcastically. “That’s just a kiss, Chloe! Hindi natin parehas sinasadya. It’s not even aggressive—”
“Aggressive or not, we still kissed!” I didn’t realize that I was already yelling at him.
Kung hindi ko pa nakita ang pagkakatigil niya habang titig na titig sa akin at nakataas ang isang kilay, hindi ko mapapansin na masiyado na akong nagiging histerikal.
Bumuntonghininga ako saka nag-iwas ng tingin. I cleared my throat and bit my lower lip.
“I’m sorry for over reacting, Hellios. It just that I believe that all things should be done with love. We don’t love each other so I think that it’s purely a sin.”
Siguradong ngayon ay pinagtatawanan niya na ako sa isip niya. Hellios is surely the kind of man who doesn’t give a care if he got a girl’s first kiss. I know that what happened to us shouldn’t make as a big deal. Masiyado lang talagang matibay ang paniniwala ko na hindi dapat ibinibigay ang unang halik sa ibang tao. Lalo na at kung wala naman kayong pagkakaintindihan.
“You made me like you despite our huge beliefs and differences, Chloe...”
Nilingon ko siya at nakitang mataman siyang nakatitig sa harap. I blinked my eyes and stared at him even more.
Anong sinasabi niya?
Tumingin siya sa gawi ko at sinalubong ang mga mata ko. His eyes were too dark but unlike before, they were filled with emotions. They’re not blank anymore.
“Don’t worry that I had your first kiss. I will surely be worth of it in the end.”
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
General FictionShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.