MHIH 18

58.6K 2.4K 415
                                    

“May misa mamaya. Gusto mong dumalo?” tanong ko kay Hellios sa kabilang linya, nagbabaka-sakali kahit na alam ko naman na ang magiging sagot niya.

Hingang malalim ang naging sagot niya sa akin.

“You already know my answer to that, right? Ayokong pagtalunan natin ang bagay na ‘yan.”

“Huh? Kailan ba natin ito pinagtalunan, Hellios? You know how much I am respecting you regarding that.”

He sighed again and I know this is already frustrating him. Totoo lang naman ang sinabi ko. Sa ilang buwan na lumilipas at nangliligaw siya sa akin, ni minsan ay hindi ko nagawang itanong sa kaniya o ungkatin ang dahilan kung bakit tila may galit siya sa langit.

Hindi porque may nararamdaman siya para sa akin ay sasamantalahin ko na at panghihimasukan ang pribado niyang buhay. Sure he could open up to me and share whatever that’s bothering him. Pero hindi ako ang mauuna.

My respect for this man is to the roof.

“I know and I’m sorry. It just that it’s making me feel unworthy for you because of this.” he uttered that snapped me out of my thoughts.

“Stop thinking about that. And I’m sorry too if I was asking you to go to the mass,” I smiled a little. “I was just trying my l-luck.”

The line went silent for a minute or two until I heard his deep voice again.

“Can you still take me, Chloe?”

The way he dropped those words was laced with frustration and pain. I could hear it… clearly. And for me, it’s not a hard question. Alam kong hindi siya habang buhay magiging galit sa itaas. May hangganan ang lahat at hindi siya naiiba.

“There are times that you’re hard to understand and I admit that. But it’s fine. Masiyadong malawak ang pang-unawa ko para hindi ka intindihin. You can be yourself whenever you are with me and promise that I won’t judge you.”

“This is one of the times that I wanna curse so bad, baby.” He chuckled. “I want to see you.”

My lips stretched into a smile. “We can’t do that. Kailangan ko tumungo sa misa. Abala ka rin sa trabaho mo, hindi ba?”

“Yeah.”

“Saka na lang tayo magkita kung ganoon. Kapag libre na tayo parehas.”

Bawat pagkikita namin ay literal na palihim. I haven’t told to my parents about him — that someone is courting me. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Nakakaramdam ako ng kaba, ‘yon ang totoo.

I’ve been creating sins for the past months whenever I was with him. Sa tuwing magpapaalam ako kina Papa na lalabas ako ay wala akong ibang idinadahilan kung hindi ang magpapadala ako ng mga order na rosary bracelets.

It’s a huge lie, I know. Maling-mali lalo na at ako sa sarili ko ay alam na hindi katanggap-tanggap sa mata ng Diyos ang ginagawa kong pagsisinungaling. I’m just trying to buy time, fill my heart with courage to tell them about him. Sandali na lang. Hindi ko na rin patatagalin pa.

“This will be the last time that we’ll be serving that church. Sa mga susunod na linggo, magkakasama na ulit tayo dito.” Si Papa nang huminto ang sasakyan namin sa tapat ng Manila Cathedral.

Maaga nila kaming inihatid ni Raphael dahil kagaya ng mga nakalipas na buwan, sa simbahan sa may Guadalupe sila magbibigay-serbisyo.

“Tapos na po kayo doon, Pa?” tanong ko habang isinusuot ang kwintas ko.

“Oo.”

Dapat ay masaya ako dahil kumpleto na ulit kami. Pero bakit nakakaramdam ako ng panghihinayang? Siguro ay dahil alam kong kapag narito na ulit sila, imposibleng makapagkita pa kami ni Hellios sa tuwing matatapos ang misa. Imposibleng maihahatid niya ako sa bahay.

Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon