MHIH 23

47.6K 2K 230
                                    

Tuluyan nang naibsan ang pangungulila ko sa presensiya ni Hellios sa mga nagdaang araw dahil sa palagi na kaming nagkakausap tuwing may pagkakataon. Kahit na mali dahil patakas, natutuwa akong gumawa siya ng paraan para magkaroon kami ng komunikasyon.

“Marami akong nagawa na rosary bracelets ngayon. Hindi ko pa lang muna puwede i-post sa social media dahil baka kinakalikot nina Mommy ang cellphone ko at magtaka sila kung bakit may bagong items.” kwento ko kay Hellios habang magka-FaceTime kami.

It’s already two in the afternoon. Wala sina Papa at ang sabi ni Raphael ay nasa simbahan daw sa Cathedral. Matagal na akong hindi nakakadalo sa misa kaya wala akong ideya kung bumalik na ba sila sa pagbibigay serbisyo doon.

Gusto ko sana itanong kung hanggang kailan nila ako balak ikulong dito pero hindi pa rin kami nag-uusap ngayon. Pakiramdam ko tuloy, masiyadong malaking kasalanan ang nagawa ko. Bagay na hindi ko talaga naiintindihan.

“Keep those bracelets. I’ll buy them all for Mama. Matagal ka na niyang tinatanong dahil hindi ka niya ma-contact sa number mo. I didn’t tell her about your situation.”

Mula sa hawak na bracelet ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya. He looked handsome in his three piece suit. He was sitting on a swivel chair, his elbow leaning on the hand rest while his hand was playing along with his lower lip. Nasisiguro kong nasa opisina siya ngayon.

“Ano’ng sinabi mo sa kaniya kung ganoon?”

“I said that you’re out of town for some vacation. She didn’t ask any more question. Madaling maniwala si Mama sa akin.”

Tipid akong ngumiti. “Hindi ko alam kung hanggang kailan ako sa ganitong sitwasyon, Hellios. Gusto ko nang bumalik sa dati.”

“This will eventually come to an end, Chloe. I promise you.”

Iyon lang ang pinanghahawakan ko sa mga sumunod na araw na nakakulong pa rin ako bahay namin. Hellios and I kept on calling each other when it’s possible for me. Mabuti na lang rin at madalas namang wala sina Papa sa bahay. Mas maraming pagkakataon na magkausap kami.

I was fixing my bed when the door suddenly opened. Iniluwa no’n si Raphael na seryoso ang ekpresyon ng mukha na tila wala sa mood.

“Raph, wala kang pasok?” tanong ko dahil naalalang Lunes ngayon.

Umiling siya. “Intrams namin ngayon, ate. Hindi naman ako pinayagan nina Papa na dumalo. Palagi na lang.”

Binitawan ko ang hawak na comforter at tuluyan na siyang hinarap. I walked towards him and sighed. Hinaplos ko ang ulo niya at matipid na ngumiti.

“Hanggang kailan ang intrams n’yo?”

“Hanggang sa isang araw, ate. Today is the first day.”

Sandali akong natahimik, nag-iisip ng puwedeng gawin para kahit papaano ay makadalo siya sa Intrams nila. I want to make him happy. I am also grateful to him after of helping Hellios and I. Maliit na bagay lang ito kung tutuusin.

“Gagawa tayo ng paraan para makadalo ka kahit bukas lang. Okay na ba ‘yon sa’yo?”

Mabilis na sumibol ang ngiti sa labi niya bago sunod-sunod na tumango.

“Of course, ate! A day is already enough. I just want to experience how it feels like to be in that occasion. Hindi ko pa ‘yon nararanasan kahit na isang beses.”

Naiintindihan ko. Ni minsan ay hindi siya pinayagan ni Papa na dumalo sa mga ganoon kahit na alam naman niyang walang masama kung dadalo si Raphael lalo na at parte naman ito ng pag-aaral niya. Hindi ko na talaga maintindihan si Papa.

Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon