Bitbit ang dalawang malaki na echo bag, bumaba ako ng hagdanan namin at si Mama kaagad ang sumalubong sa akin.
“Aalis ka na, Chloe?” tanong niya.
Tumango ako saka ipinatong sa center table namin ang mga dala. Inilugay ko ang basa pang buhok mula sa pagkakabalunbon ng tuwalya at sinuklay ito ng isang beses gamit ang mga daliri.
“Opo, Ma. Sandali lang rin po ako. Hinihintay na rin po kasi itong mga order na dapat ay kahapon ko pa naipadala.”
“Bilisan mo lang dahil mamaya lang ay nandito na ang Papa mo. Hindi ka puwedeng mahuli sa hapunan, Elizabeth.”
“Sige, Ma.”
“Gabayan ka ng May Kapal sa paglabas mo. Mag-iingat ka, anak.”
Tumungo ako at hinayaan si Mama na lagyan ako ng krus sa aking noo. Sa tuwing lalabas ako ng bahay ay ganoon ang ginagawa niya sa akin. We believe that the Lord will guide me as I go out.
Hindi na ako nakapagsuklay pa ng ayos dahil literal na nagmamadali ako. Kahapon pa ako kinukulit ng mga nagpagawa sa akin ng rosary bracelet pero dahil ipinatawag kami sa simbahan ay hindi ko na naasikaso ang mga order nila. Humingi ako ng pasensya at ipinaliwanag ang dahilan ko. Gladly, they understood me.
I made a sign of the cross before I rode a taxi. Medyo nahirapan pa ako dahil nahulog ang ilang box mula sa echo bag. Masiyado na kasi itong puno at pilit ko lang pinagkasya dahil baka hindi ko na kayanin kung tatlong bag ang dadalhin ko.
“Manong, sa may Bel-Air po.” sabi ko sa driver.
Tumango siya ngunit hindi na rin naman sumagot. Isinandal ko ang ulo sa headrest at bumuntonghininga, naalala kung paanong napagalitan ni Papa si Raphael kahapon dahil lang nanonood ito ng bagong anime film sa cellphone niya gamit ang cellphone ko.
Alam kong kasalanan ko dahil hinayaan ko siyang hiramin ang cellphone ko kahit pa mahigpit iyong ipinagbabawal ni Papa sa kaniya. Subsob na sa trabaho si Raphael at wala naman sigurong masama kung kahit sandali ay malibang siya. Nga lang, kagabi at nang akala namin ay tulog na si Papa, hindi niya inasahan na papasok ito bigla sa kwarto ni Raph dahilan para mahuli siya.
“I’m sorry, Pa. Please don’t get mad at Ate Chloe. Pinilit ko lang po siya na ipahairam sa akin ang cellphone niya. And I wasn’t doing anything wrong. Nanonood lang po ako—”
“Look at you now. Sumasagot ka na sa akin ngayon. Iyan ba ang natututunan mo sa panonood ng mga walang kwentang palabas na ‘yan?”
“Pa, huwag mo na po pagalitan ang kapatid ko. He’s just stressed from study and this is his way to relax—”
“If he wanted to relax, he should sleep instead of watching some nonsense anime! Sa kanonood niya nang ganiyan ay baka matuto pa siyang gumawa ng kasalanan! Shows like that are being manipulated by demons. Stop defending your brother, Chloe Elizabeth!”
How is anime made for kids being manipulated by demons? And how could even say that when he knows that it’s not barely true?
Minsan talaga ay gusto ko nang kwestyunin si Papa tungkol sa mga paniniwala niya pero alam kong mag-uugat lang ‘yon ng diskusyon sa amin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit palaging mainit ang ulo niya.
Hindi ba kailangan ay kalmado siya palagi lalo na at wala naman kaming ginagawang masama na magkapatid?
Essclesiastes 7:9 Be not quick in your spirit to become angry, for anger lodges in the heart of fools.
“Manong, diyan na lang po sa may LBC.”
Huminto ang taxi sa harap ng LBC. Iniabot ko sa kaniya ang eksaktong bayad at binuksan ang pintuan. Inayos mo muna ang laylayan ng bestida ko na lagpas sa aking tuhod saka iniapak ang mga paa sa simento.
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Ficción GeneralShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.