MHIH 2

68.2K 2.7K 466
                                    

Ilang minuto na lang at matatapos na rin ang misa para sa linggong ito. Medyo nakakaramdam na ako ng antok dahil napuyat ako sa pag-aasikaso ng mga orders kagabi. I was already out of energy since we reached here and I was really trying to be attentive.

Mahirap na dahil baka pumalpak ako lalo na at ako ang commentator. Kapag nagkamali, siguradong magagalit si Papa.

"Ma, dadalhin ko na po muna sa sasakyan ang mga gamitin natin. Babalik rin po ako kaagad." paalam ko nang nasa convention room kami kasama ang ilang miyembro ng simbahan matapos ang banal na misa.

Sa tuwing matatapos ang misa ay nagaganap ang kaunting pagsasalo salo kasama ang Punong Pari. Gusto ni Papa na nagtatagal kami roon dahil masaya siya sa tuwing nakakasama ang mga ministrong kagaya niya.

The only person who's unhappy when we're here is Raphael. Hindi ko alam pero halata sa kaniya na wala sa puso niya ang kagustuhan mapabilang sa mga miyembro ng simbahan. Nahahalata ko man, iminumulat ko pa rin siya sa mga salita ng Diyos. Bata pa rin kasi.

Pero bakit naman ako? Bata pa lang ay gusto ko na talaga ang mag-lingkod sa simbahan? I was always fascinated with those person who show their love to the Dear Lord by giving service to the church. At nang ako na mismo ang gumawa no'n, nag uumapaw na saya ang naramdaman ko.

Bitbit ang isang tote bag, lumabas na ako ng convention room nang makita ko ang isang matanda na bahagyang nakasandal sa pader at nakayuko. Kung titingnan ay parang nahihirapan siyang gumalaw mula sa kinatororoonan niya. I sashayed towards her in a quick pace.

"Lola, ayos lang po kayo?" tanong ko at maingay siyang hinawakan sa balikat.

From shutting her eyes tight, she raised her head and looked at me. Her wrinkled lips stretched in a warm smile and nodded her head. Inayos niya an suot na salamin at tinapik tapik ang aking kamay na nasa balikat niya.

"I'm fine. I am just a bit dizzy but I'm okay. Thanks for asking." she said elegantly.

With her sharp eyes with a perfect winged eyeliner, aristocrat nose and red shaded lips, I can see that she's one sophisticated old woman. Sa itsura pa lang niya, mahahalata nang napakaganda niya no'ng kabataan niya.

"May kasama po ba kayo, Lola?"

"Mayroon. Nasa labas ang apo ko."

Tumango ako. "Aalalayan ko na po kayo palabas, Lola. Medyo marami pa pong tao ang lumalabas baka po mas lalo kayong mahilo."

Bumaba ang kamay ko sa braso niya at astang aalalayan siya. Napatingin siya roon ng ilang saglit bago nag-angat ng mga mata sa akin. Her lips as well as her eyes smiled at me before I felt her surrender her hand to me.

"Thank you, hija. You're not just beautiful. You even have a pure heart."

"Wala pong anuman, Lola. Kahit po sino siguro ang makakita sa inyo ay tutulungan kayo. Bakit po hindi n'yo kasama ang apo n'yo dito sa loob?"

Nagsimula na kaming maglakad sa mabagal na paraan. Kung ako ang tatanungin, siguro ay nasa edad sisenta anyos na siya. Ganoon pa man, napakaganda pa rin niya.

"Nagpasundo lang ako sa kaniya. Galing pa siyang trabaho at ang sabi ko ay daanan na ako dito. My grandson is allergic to church, you know?"

She sighed. She's already telling me stories as if she had known me for so long. Ganoon nama ata talaga ang matatanda. Mahilig silang magkwento ng mga buhay nila.

"Masuwerte na lang talaga kung mapipilit ko 'yon."

Tumango ako. "May dahilan po ba para maging ganoon siya?"

Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon