MHIH 44

41.2K 1.3K 83
                                    

Chapter 44
Ramdam ang galit sa bawat hakbang ni Hellios habang naglalakad kami patungo sa entrada ng bahay nina Mama Empress. Malamig ang kamay niyang nakahawak sa akin, nagsusumigaw ang galit pero nananatiling kalmado sa harapan ko.

Maging ako man ay kinakabahan rin sa katotohanang nariyan ang isa sa mga tauhan ni Jaime. Paano nila nahuli ito? Si Jaime, nasaan siya? May posibilidad kaya na itimbre siya ng tauhan niya kung saan man siya nagtatago?

At kapag nahanap na, ano’ng gagawin ng pamilya Suarez? Sapat na ba para sa kanila ang mukulong siya? Sana lang ay huwag nilang ilalagay sa mga kamay nila ang batas. Alam ko na mahalaga ang buhay ni Lola Carmina pero hindi ‘yon magiging dahilan para kumitil rin sila ng buhay ng iba.

May the Lord bring peace and forgiveness to their hearts no matter how the darkness want to reign over them.

Mahigpit ang pagkakahawak ni Hellios sa seradura ng pintuan at itinulak ito pabukas. Bumungad sa amin ang buong pamilya niya na nasa living room, nakaupo sa couch habang seryoso ang mga ekpresyon ng mukha.

Maging si Gabriel na nasa isang sulok, palakad lakad habang may kausap cell phone ay tanaw ang pagkaaligaga.

Napunta sa amin ang atensyon ng lahat na tila ba si Hellios na lang ang hinihintay nila para simulan ang kung ano mang pagtitipon ngayon.

“Son…” tawag ni Mama Empress sa kaniya at tila nag-aalala.

Huminto kami sa harapan niya. Humalik si Hellios sa ina bago iniabot ang kamay ko dito at tiningnan ako.

“Stay here. Kakausapin ko lang si Papa.” sabi niya sa kalmadong boses, kabaliktaran ng kadiliman sa mga mata niya.

Tumango ako bago tiningnan si Mama Empress na nakatingin sa anak niya. I caressed her back and she suddenly looked at me. I gave her a comforting smile.

“I’m sorry, hija. It just that… Mama’s death is still fresh to me and knowing that one of Jaime’s men is here makes me really anxious.”

“Naiintindihan ko po, Mama. Hindi n’yo po maiaalis ang magalit. Sana po ay magsabi siya ng totoo kung saan naroon si Jaime.”

Hinawakan ni Mama Empress ang kamay ko at huminga nang malalim.

“I’ve heard from Samael what that man did to you. And about your parents… I’m really sorry that you have to experience that. Sana ay napatawad mo na ang mga magulang mo, anak.”

“Opo, Mama. Ipinaliwanag naman po nila sa akin kung bakit nila nagawa ‘yon. Nagalit po ako pero napatawad ko na rin po sila. They are still my family po. Ano man ang mangyari, hindi mababago ng pagkakamali nila na pamilya kami.”

“They are so lucky to have you as their daughter, Chloe. Masaya ako na anak na rin kita ngayon. Sa mga ganitong pagkakataon sa buhay ni Samael, kakailanganin niya ng isang kagaya mo na kakalma sa kaniya. He has a bad temper, hija. Madaling magalit at mahirap pakalmahin.”

Tumango ako at tipid na ngumiti. “Ako po ang bahala kay Hellios, Mama.”

Ngumiti siya pabalik at tinapik tapik ang kamay ko. Umayos ako ng upo at tiningnan si Hellios na abala sa pakikipag-usap kay Papa Steve at sa Papa ni Gabriel. Si Gabriel ay abala pa rin sa pakikipagtawagan sa cell phone niya. Nang magtama ang mga mata namin ay isang beses niya akong nginitian.

“Mama, paano po nahuli ang isa sa tauhan ni Jaime?” tanong ko saka nilingon si Mama Empress.

She pursed her lips, smiled warmly at me and exhaled.

“Your father cooperated with your Papa Steve, anak. Nasabi niyang may isang tao na pinagkakatiwalaan si Jaime at pinilit ng Papa Steve mo ipahanap ‘yon. Hindi na namin binanggit pa kay Samael dahil siguradong kapag nalaman niya ay baka siya pa mismo ang maghanap sa taong ‘yon.”

Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon