Hellios let me calm myself down. Hindi ko mapigilan ang sarili sa pag iyak lalo na at paulit ulit ko naiisip kung ilang beses ko siyang pinagsalitaan nang masasakit noon. Ipinagtabuyan sa tuwing gusto niya akong lapitan. Husgahan sa tuwing sasabihin niya sa akin na hindi niya ako niloko.
I can still remember how many times he told me that he didn’t do it but anger embraced my soul. Isinarado ko ang isip at puso ko para sa kaniya dahil buong akala ko ay sinaktan niya ako.
I feel like I am in the villain in my own story.
“I already know the t-truth.” sabi ko matapos ang mahabang pananahimik.
I was resting on his chest while we were sitting on the edge of the bed. Nakayakap ang mga bisig niya sa akin, nakikiramdam sa bawat galaw ko.
Ang totoo ay hindi ko inaasahan na yayakapin niya pa ako ng ganito. He’s mad at me. That’s what I feel the last time we had a conversation. Hindi ko makakalimutan ang galit at pait na yumakap sa boses niya nang sabihin niyang pagod na siyang habulin ako.
“What truth?” he asked.
“That you didn’t betray me. Na hindi sa’yo ang anak ni Hannah.”
I felt his body stiffen. Nasisiguro ko na wala pa siyang ideya sa katotohanan. Dahil kung mayroon, siguradong siya ang unang magsasabi sa akin ng tungkol doon. Baka nga siya pa ang magharap sa akin kay Doctor Larey. Malamang ay sa amin ni Gabriel unang sinabi ang totoo.
Iniisip niyang kami ang biktima dito? Maaari. Pero mas higit na biktima si Hellios. Inakusahan siya sa isang bagay na hindi niya ginawa. At wala ni isang naniwala sa kaniya.
Marahan akong pinaharap ni Hellios sa kaniya. Nagkatinginan kami at pansin ang pagkakasalubong ng mga kilay niya.
“With our without proof, I know that child isn’t mine, Chloe. But what are you talking about?”
“Kaya ako narito, Hellios, dahil nakausap ko ang taong nagpatunay na hindi sa’yo ang bata. Sinundo ako ni Gabriel sa Palawan dahil gusto daw kami makausap ni Doctor Larey...”
“He’s the one who did the DNA test.” titig na titig siya sa akin. “What did he say?”
“It was all a frame up. Tinakot siya ni Jaime na sasaktan ang pamilya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang pekein ang resulta,” umiling ako at bumuntonghininga. “The old man is already dying.”
Nag iwas siya ng tingin, tila malalim ang iniisip.
“Who is the father then?” he anchored his eyes on me again.
“Gabriel...”
Pumikit siya nang mariin. His jaw clenched and suddenly pinched the bridge of his nose. When he unlocked his eyes, he looked problematic.
“I have only seen the child once. It’s the day Hannah gave birth. After that, she flew to States with the baby. Nagkakausap sila ni Mama pero sa cell phone lang. This may be harsh to hear but I am not interested with her child. Nang sabihin ni Mama na nakuha nito ang mata sa akin ay ayaw kong maniwala. I don’t remember anything from that night but I knew in myself that I didn’t touch her. Mama showed me his picture once and she was right. Nakuha nga nito ang mga mata ko. But then I also thought about Gabriel because we have the same eyes.”
Umiling ako at hinawakan ang kamay niya. “Ano man ang mangyari, Hellios, huwag mong idadamay ang bata sa galit mo. Wala siyang muwang at hindi niya ginusto ang mga nangyayari. Kung anak mo man siya, gusto kong tratuhin mo siya nang maayos. Kagaya ng pagtrato mo kay Embry.”
Bumuntonghininga siya, kinabig muli ako para halikan sa aking noo. Halatang malalim pa rin ang iniisip niya. Naiintindihan ko dahil ganiyan rin ang naging reaksyon ko nang malaman ang katotohanan.
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Ficção GeralShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.